Monday, May 3, 2010

Girl Power


Todo sa galing ang tatlong babaeng ito kagabi sa Harapan ng ABS-CBN. Straight to the point sa pagsagot sa isyu ng bayan, may malinaw na plataporma sa ikagaganda nang lehislatura at may kredibilidad sa kanilang binibitawang salita.

Toots Ople.
Saludo ako sa plataporma niya para sa manggagawang Pilipino. Hindi natitinag sa pagsagot nang isyu. May malinaw na plano para sa mga OFW.


Gwen Pimentel.
Hindi nasisindak sa mga tanong para sa kanya. Handang magpaliwanag sa isyu at hindi paligoy-ligoy. Gumagamit nang matatalinong salita na naiintindihan ng bayan. Sa mata pa lang niya, alam mong hindi siya mangungurakot at may tapat na pangako para sa bansa.


Pia Cayetano.
Maraming batas na napatupad na ramdam ng mamamayan. Maganda ang plano sa hinaharap lalo na para sa PhilHealth. Hindi nanira nang kapwa kandidato lalo na sa ibang partido. You got my vote there.


Silang tatlo rin lang ang nakitaan ko na alam kung anong posisyon ang pinapasok. Hindi nangangako nang mga bagay na hindi naman sakop nang pagiging senador. Dahil diyan, bonggang iboboto ko kayong tatlo.

1 comment:

Anonymous said...

pia cayetano is a fraud...payola ng mga milk companies. howell, to each his own.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...