Thursday, May 27, 2010

Yosi para kay beybi


Todong naloka ako dito kay Ardi Rizal ng Indonesia. Imbes na dede at laruan ang hawak, yosi ang hinihithit ng batang ire. Juice koh! Eh dalawang taong gulang pa lang siya. Sabi ng nanay niya eh nagwawala at inuumpog nito ang ulo sa pader kapag hindi nakayosi. Bongga naman ang statement ng padir dear niya. Mukha naman daw malusog si Ardi at walang problema sa kanya kung mag-yosi man si baby.

NAKAKALOKA!
Kung titingnan mo at titimbangin nga naman si Ardi eh hindi ka na talaga magtatakang hindi siya malusog. Pero naman 'day, makakaapekto sa development ng bata yung yosi. Buong katawan ang apektado dahil na nikotinang hinihithit niya.


Panawagan naman sa pamahalaan ng Indonesia, sana naman ay pigilan niyo ang batang ito at iba pa na maagang sinisira ang kanilang katawan dahil sa yosi. Para naman sa mga magulang na yan, pasuin sila ng upos ng sigarilyo.

Yan eh kung maiintindihan niyo ito. Hay...

Basahin niyo ang buong artikulo dito at panoorin ang video naman dito. Patnubay ng magulang ay kailangan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...