Tuesday, June 1, 2010

Huling buwan sa unang kalahati ng 2010

Todo sa bilis ang panahon. Parang kakasimula lang ng summer vacation (or El Nino) pero heto at pasukan na naman ng mga estudyante. At ika-anim na buwan na ng taong ito. Wow! May taxi ba at parang nagmamadali ang bawat araw. Bakit hindi ko ito ramdam nung bata ako. Siguro lulong na ako sa trabaho at kailangan nang i-rehab dahil workaholic at walang time to relax and unwind. Ang huli kong outing eh nung December 2008 pa sa Laguna lang para mag-swimming sa hot spring. I badly need a bonggang vacation para ma-enjoy ko naman ang bawat araw na dumadaan. Remember, hindi na mauulit pa ang isang petsa. Laging itong napapalitan ng bago.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...