Saturday, July 24, 2010

In Your Eyes

After 4 years ay may bongga nang pelikula ang Optimum Star na si Claudine Baretto. The title of the movie is In Your Eyes at kasama niya dito sina Anne Curtis at Richard Gutierrez. This is produced by Viva and GMA films under the direction of Mac Alejandre.

Miss na miss na siya ng mga fans niya sa big screen so I hope na maganda ang offer na ito para sa kanila. Personally, I'm a fan of her old Star Cinema movies like Dahil Mahal na Mahal Kita at Got to Believe. Medyo "nalaos" nga lang dahil na rin siguro nag-asawa siya at jumuba ng todo. Mas lalo pang nakaapekto sa estado niya bilang artista ang paglipat sa GMA 7 aminin man natin o hindi. Sana with this project ay magbalik kinang ang kanyang bituin. Isa pa rin naman siya sa pinakamagagaling na artista ng Philippine showbiz.

Di ko lang feel yung movie poster, parang di bagay yung mga buildings sa concept ng story.


Click here to watch In Your Eyes music video.

1 comment:

Anonymous said...

aabangan ko ito kasi love ko si claudine barretto!
yes, mas kikinang siya ngayon at maganda ang movie
niya!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...