Friday, July 2, 2010

OPM Divas of the 90's

Donna Cruz and Roselle Nava

Na-aadik ako ngayon sa pakikinig ng mga 90's OPM music. Sa dekada kasing ito ako nagka-isip at lumaki kaya ang sarap balikan ang mga awiting kinalakhan. Bawat musika ay mayroon kang maaalalang nakaraan. Paborito kong mga singers dati sina Donna Cruz at Roselle Nava. Sila talaga noong mga panahon yun ang may mga hit songs. Laging pinatutugtog sa mga FM station at #1 sa charts. Bawat album bumebenta. Sino ba naman ang hindi naka-relate at umiyak sa mga kantang Bakit nga ba mahal kita, Mahal mo ba'y di na ako at Dahil mahal na mahal kita. Masarap namang ma in-love kapag ang naririnig sa radyo ay Kapag tumibok ang puso, Hulog ng langit at Only me and you.

Sa ngayon, pareho na silang may asawa. Umaawit pa rin si Roselle samantalang full-time housewife and mother naman si Donna.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...