Monday, August 2, 2010

Sale-si

Talaga nga namang hindi mo matitiis ang super sale ng isang mall lalo na't kahit wala kang anju eh may credit card ka naman. Iyan ang nangyari sa akin kagabi. Last 3 hours na nang sale sa SM North pero hinatak pa rin watashi ng aking mga tiil para masight ang mga items on sale. Ending, nadagdagan ang collection ko ng VCD's and DVD's.

Tatlo sa mga klasikong pelikula nang Star Cinema ang naka-sale kaya naman hindi na ako nag-atubili pang bilhin. Hindi naman ako fan na fan ni Ate Claudine pero dahil magaganda ang istorya ng mga old movies niya, binili ko ang Dahil Mahal na Mahal Kita at Got 2 Believe nila ni Rico Yan (RIP). Ang idol kong si Judai ay may naka-sale din na pelikula. Till There Was You ang pinaka kinakikiligan kong pelikula nila ni Papa P kaya naman isa siya sa mga nadagdag sa aking koleksiyon.

Siyempre, hindi naman ako papayag na hindi madagdagan ang latest craze ng mga baklang tulad ko, ang pagkolekta ng mga indie films. Super sale din sila kaya naman ayan at may kopya na ako ng Walang Kawala ni Papa Marco at Selda ni Baby Sid Lucero.

At dahil credit sila, kailangan kong mag-overtime sa trabaho para dagdag kita at pambayad sa kanila. ☺

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...