Saturday, October 2, 2010

Ang magasin, varicose veins at si Mike

February this year nang dito... dito sa magasing ito unang nagpapansin sa akin si Mike Concepcion. Pero wiz ko siya give ng attention during that time kasi seloso si Erwan Heussaff. CHAROT! Balak ko sana 'tong bilhin pero na-shock value ang byuti ko sa presyo... 195 peysos. Isang kilong baboy o 5 kilong bigas na ang katumbas ng halaga kaya huwag na lang. Hindi naman ako ang target reader ng babasahing itey.

Patuloy ang paglipas ng panahon at lumipas na rin ang fairytale namin ni Erwan. Tuluyan ko na siyang pinaubaya kay Anne Curtis. Siya si Cinderella, ako naman si Grazilda.

Aly
Nitong mga nakaraang araw, luhaan sa putikan ang puso ng aking kaibigang si Aly. Bilang isang mabuti at masarap na frend, siya'y aking dinamayan. Todong pinaglakad lang naman niya ako sa buong SM North EDSA (from main to Annex to The Block) then tumawid papuntang TriNoMa para duon dumaan at sumakay ng MRT going to Cubao. At alam niyo kung ano lang ang gusto niyang sadyain sa SM Cubao, band-aid ng Watsons! Naknampucha naman oh! I say hello to my bonggang varicose veins. Ayaw ko na siyang samahan 'pag may problema siya. Mabo-broke ang binti ko sa kanya.

Anyways, habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang Filbars at POOF! sale ang sushal na magasin sa halagang 75 pesos na tumataginting. Mega buy ako agad para naman madagdagan ang kaalaman ko sa lalaking itinatangi ng puso ko.
Nosebleed sa article mga ateh. Ang shala ng mga words na ginamit. Half-Filipino half-Spanish pala si Mike. Perfect dahil half-male at half-female naman ako. Ayon pa sa article, 18 years old lang siya. Yay! Cougar ang dating ko sa edad na veinticinco. Deadma. Uso ngayon ang Demi Moore aura. Pero sa height talaga kami bagay na bagay kasi 6'2" siya at ako naman ay 5'11". Hehehe... dun lang kami bagay.

3 comments:

Anonymous said...

ate parequest naman pascan din yung kay Erwan please? saka ung article??? pleasee???? thanks! haha

Melanie said...

Sige 'teh, pag binalikan ako ni Erwan, feature ko siya ulit dito =)

Vivi Le Twit said...

Ms. Meeeeel!

OMG. Hahah, ang liit kasi nung pic sa profile mo. Akala ko tuloy ikaw :(

*facepalm*
http://en.wikipedia.org/wiki/Facepalm

Sorry talaga 'teh. And yes, nasa process nako ng healing.. sort of (hmmmn, or maybe nag l-lie lang ako sa sarili ko na healing nako nyahahah)

Buti ka pa Mel. No love life, no problem. (that is, problem sa love life hah)

Hugs & Kisses!~

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...