Thursday, October 7, 2010

Limang piso

Paalala: Ang susunod na eksena ay kathang isip lamang. Patnubay sa kaisipan ay kailangan.
Sa loob ng isang videoke house...

Melanie:
Kevin, todo sa bongga ang nararamdaman kong pag-ibig para lamang sa iyo.


Kevin: Talaga?

Melanie: Talagang talaga! Maniwala ka't yan lamang ang totoo.

Kevin: Weeehhhh...

Melanie: Upang ika'y maniwala, hayaan mong alayan kita ng isang awitin mula sa aking puuuuuu...so. Pahinging limang piso.

Dumukot si Kevin sa kanyang bulsa ng barya at inabot kanya. Nagpalitan sila ng malalagkit na tinginan. Dali-daling lumapit si Melanie sa videoke, pinindot ang numero sabay hulog ng limang piso.

Biglang bumirit. Chorus agad.


♫♪ Mahal na mahal kita dito sa aking PUSOOOHHH
Ikaw lang nag-iisa, o aking MAHAAALLL
Mahal na mahal kita dito sa aking PUSOOOHHH
Ikaw lang nag-iisa, o aking MAHAAALLL...♪♫

Nang biglang...BLAG!

Nahulog si Melanie... sa kanyang higaan.


Panaginip lamang pala ang lahat.

*credits to Dookie Ducay for the photo.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...