Saturday, November 20, 2010

Sad

Hindi dapat ako malungkot sa pagsisimula ng araw pero hindi ko mapigilan.

Ms. Melanie and Jiggy
Nag-resign na kasi ang officemate / friend ko na si Jiggy. Nakakalungkot kasi mahigit dalawang taon din kaming nagkasama sa work. Well, plano na talaga niyang mag-resign pero hindi ko ine-expect na mapapaaga.

Marami ng napagdaanan ang aming friendship, may mga ups and downs at hindi napagkasunduan. Gayunpaman, nanaig ang aming pagpapahalaga sa aming pinagsamahan. Siya na yata ang maituturing kong greatest partner sa kapokpokan. Pero ganun talaga, kailangang mag move-on for a better future. Anyways, hangga't may gay indie films na pinoprodyus, sabay pa rin kaming manonood nito.

At ang pinaka depressing sa lahat... ang aking sahod. Again, let me tell to myself...

Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.

1 comment:

Bullfroglita said...

teh
it's not the end of the world
puwede pa rin naman kayong magkita pag off ninyong dalawa
o kaya mag-effort na lang kayo before work
ngayon mo mas mabibigyan ng halaga ang pagiging magkaibigan ninyo

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...