Tuesday, November 16, 2010

Tambalan

Naaaliw talaga ako ng bongga sa Tambalang Balasubas at Balahura ng Love Radio. Kahit nasa opisina ako, nakikinig ako sa kanila. Patago lang at baka mahuli ako ng mga BIG bosses ko. Mukha nga lang akong tanga sa kakangiti mag-isa sa mga pinag-uusapan nila. Hindi pwedeng humalakhak ng todo at baka mahalata ako ng mga kaopisina ko.

Birthday na pala ni Nicole Hyala sa November 28 at December 7 naman si Chris Tsuper kaya naman... HEYPI BIRTHDAY sa kanilang dalawa. Magtagal pa sana ang tandem nila na nagbibigay ngiti at saya sa mga tao tuwing umaga. Yung tipong uugod-ugod na sila pero ganun pa rin ang energy.

So kung todong nalulungkot kayo, makinig lamang sa kanila at siguradong sasaya kayo ng bongga.

Nationwide ang kanilang tandem na mapakikinggan mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM at 9AM sa 90.7 Love Radio sa Metro Manila at sa inyong local Love Radio frequency.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...