Thursday, November 18, 2010

Threat

Eto namang si William, hindi makapag-antay na makarating ako sa bansa nila para makita niya ang pagkakaiba namin ng jowa niya. Sus! Mahihiya yang si Kate na yan once na masilayan ang fez ko. Anlaki kong threat sa kanya! Lahi kaya ako ng dugong bughaw na pinanganak na may kutsarang ginto sa nguso.

At kapag natikman naman ni William ang sarap na ibubudbod ko sa kanyang wangkata, hindi na siya mag-aantay pa ng 2011... dahil agad-agad niya akong pakakasalan at hindi na pakakawalan pa.

Pero bago ang lahat ng iyan...

Mag-iipon muna ako...

...ng pamasahe papuntang Inglatera.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...