Saturday, November 27, 2010

Tinapay

Dalawang araw muna akong mawawala sa world wide web. Kailangan ko munang ipahinga ang byuti para freshness at may new ideas akong maise-share sa inyo sa aking pagbabalik.

Kaya naman nais ko muling ibahagi sa inyo ang aking nakaraan. Isang karanasang 'di malilimutan na nagturo sa aking ng isang mahalagang leksyon
.

Original post date:
Tuesday, December 2, 2008 at 9:48am

Where:
Multiply

Title:
Ang Violet Cream Loaf at si Mark


Well, its 9:48 Tuesday morning of December 2, 2008. I feel the jitters (kung ano man yang jitters na yan)… It’s coming near… The Yuletide Season is here and nobody can’t stop it.


But that is not the center of my blog this morning…


I will share to you one of my biggest embarrassments of all time! I
t happened a while ago. Waaahhhh! Gusto kong sumigaw sa kahihiyan pero dahil sa edad kong ito, medyo nakakahiya nang gawin iyon. So i-share ko na lang sa inyo habang fresh pa ang memories.

Alright, to start things up, galing akong work sa Eastwood at dapat pupunta akong Litex, Fairview to see someone but I changed my mind. I was so sleepy so I decided to go home.


Going home is much easier for me than going to work since less traffic, less hassle, less people, and I never thought… less me.


From Cubao, dapat sasakay ako ng MRT going to North EDSA pero OA sa grabe ang haba ng pila papasok ng train. GRABE!!! Parang nasa entrance na ng Farmers yung dulo ng line so nag-decide na lang ako na mag-bus.


Pagbaba ko ng hagdan, pumunta muna ako sa Julie’s Bakeshop para bumili nga makakain habang nasa biyahe. Hilig ko kasing kumain sa mga pampublikong sasakyan para mawala yung inip at ma-divert ang attention ko sa sobrang init ng panahon.


Bumili ako ng favorite kong Violet Cream Loaf... 18 pesos lang... malaki, masarap, malambot, malinamnam, hhmmmm… parang commercial.
Pagkatapos kong bumili, sakay na ako ng ordinary bus na may karatula ng UE Letre.

Habang nasa loob ng bus, nilantakan ko na yung tinapay. Sobrang Tommy Lee Jones ako eh. Pero dahil sa laki niya, piniraso-piraso ko ang pagkain.

Ang tagal nung konduktor na maningil kasi nagtatawag pa ng pasahero sa Cubao. Ang init ng panahon, pawis na ako at dikit-dikit na ang strands ng hair. Wala na akong paki sa looks ko dahil sa pagod at puyat. Gusto ko na lang talaga umuwi.

Sa wakas, umandar na ang bus at nasa Mega Q Mart na kami habang ako… ayun at sarap na sarap sa pagkain ng tinapay. Eto na, habang isusubo ko na ang pagkasarap sarap na piraso ng Violet Cream Loaf ni Aling Julie, sumakay si Mark… Si MarkYES! SI MARK, yung crush ko nung college. Classmate ko siya ng isang sem nung ang kurso ko pa eh Pagtutuos.

SYET NA MALAGKET!
Ako, na galing ng work, haggard, walang tulog, inaantok at parang ngayon lang nakakain ng tinapay eh nakita ang pagka-hunk hunk, over sa freshness, super sa kabanguhan, grabe sa kalinisang lalaki.


WAAAHHHH!!!


Ganun pala ang feeling kapag gusto mo nang bumuka ang lupa at lamunin nito.
Akala ko hindi totoo yung ganung feeling.

Nakita niya ako na kasusubo lang nung tinapay… nakilala niya ako… binati ko siya habang ngumunguya at lumulunok ng sabay.


"Oy Mark!”


“Oy…”


“Saan ka punta?” tanong ko habang confident sa look ko kahit alam kong chaka na at buhaghag ang hair.


“Sa work…” tugon niya


“Saan ka work?” tanong ko habang hawak ang tinapay


“Sa SVC…” sagot niya


“Aaahhh… Saan yun?” tanong ko ulit. Di ako mapakali kung paano itatago yung tinapay na hawak ko.


"Sa Makati.” sagot niya ulit
.

Then siya naman ang nagtanong, “Ikaw?”


“Pauwi na” sagot ko. Medyo dismayado kasi di man lang siya nag-usisa.

Nagtanong ulit ako habang umaakyat yung bus sa tulay papuntang GMA-Timog. Nagtaka ako kasi papuntang north yung way namin eh sa south yung Makati. Dahil mausisa ako, nagtanong na naman ako.


“Bakit dito ang way mo?”


“Kasi sasakay ako ng MRT”


Nagtanong pa ako pero hindi ko na matandaan yung eksaktong tinanong ko dahil overwhelmed ako sa kanya. Di ko masabi kung bakit di ko na matandaan. Pero in fairness sinagot naman at nag effort siyang mag explain na ikina-tuwa ko. Kalandian nga naman.


Since nakita niya na akong kumakain ng tinapay, inalok ko siya kung gusto niya, with a smile in my face and with this famous line “Gusto mo?”


Siyempre naman, bilang Pinoy dapat mag-alok ka kung kumakain ka di ba?


Iwinasiwas niya ang kamay niya sabay tingin sa inaalok ko. Rejected ang offer ko.


Ok lang. Kasi kung ako man yung aalukin mo nung tinapay na hawak ko, baka tumanggi din ako. Hindii na kasi kaaya-aya yung itsura eh.

So silence muna for a couple of seconds. Mega tingin ako sa cellphone ko na usual na gawain ng mga taong di mapakali at di alam ang gagawin. Hindi ko siya masulyapan kasi obvious na lilingon ako sa kanya. Nasa likuran ko siya nakaupo.


Then tinapik niya ako kasi baba na siya. Ako tumango lang sabay sabing “Ingat” (na di ko matandaan kung binaggit ko ba) habang tinatanaw siya pababa ng bus at papuntang GMA-Kamuning station
.

Then REALITY slaps me…


Syet ulet!
Grabe! Di ako mapakali sa bus. Di ko alam kung anong gagawin ko. Nawala ang antok ko. Nawala ang malay ko sa mga nagyayari sa paligid ko. Mega convert ako ng 6 pesos kong load into Budget Text 5 para maka send ako ng 10 text messages to other networks. Super text ako sa mga super friends ko.


Grabe hanggang naglalakad ako pauwi 'di ko ako mapakali. Gusto kong humiyaw sa nangyari kaya lang dyahe naman noh. Baka sabihan pa akong baliw ng makakasalubong ko sa daan. Kaya eto… share na lang ng moments sa inyo.


Good morning! Matutulog na ako. Sana lang makatulog ako. Swerte na kung mapanaginipan ko siya. Ambisyosa!!!


Meron ba talaga akong leksyong natutunan o ang landi ko lang talaga?

15 comments:

Anonymous said...

anong ibig sabihin mong "Then reality slaps me, Siya ulet.."

parang namalik-mata ka tapos bumalik siya ulit?

Melanie said...

Hindi naman ako namalik-mata teh. Nanumbalik lang ako sa realidad na crush ko pa din siya. Chaka nga lang ang moment sapagkat haggard na ang byuti ko samantalang fresh siya :D

Anonymous said...

landi pa teh.. ahaha.. funny story

Anonymous said...

malay mo teh makasabay mo sya ulit after 2 years! hehehe. ingat!

Anonymous said...

bat may picture ka ni mark, close kau?

Kellie said...

naalala ko si mark! classmate natin sa accountancy! :)

Melanie said...

Teh Anonymous November 28, 2010 11:43 PM, ginetching ko lang yan sa Friendster niya.

Anonymous said...

wahahaha! mark mendoza ng PUP Manila. Teh SGV ndi SVC. SyCip Gorres Velayo.

Anonymous said...

heelarius!

Anonymous said...

Luv d Story! Lesson Learned Kamo.... Dapat Nkaretouch Lagi...You dnt know wats up der and hus up der....hehehe

randy hir (telenav)

Anonymous said...

hehe, nakakatawa. alam ba nya 'to? share ko sa kanya yung link dito sa post mo. Mark Mendoza, sa SGV sya work dati, hindi SVC. Auditing firm yun para sa mga CPA. pero last 2009 pa ata sya nag resign... pero tama ka, sobrang linis nung tao na yun. amoy baby palagi... bango ng singit... =D sarap amuyin ng brief. amoy downy kahit gamit na...

Harold Barrios said...

Nakaka libang naman ang ni-share mong experience hahahaha. =D "WAHHHHH" talaga. Serendipity =)

Yung S sa SGV ata "Sycip". Yung sa tabi ng iAcademy sa tapat ng M. Stock Exchange, Ayala Ave.

Anonymous said...

its my 1st tym to read ur blog... hahahaha... u made me laf... cguro malandi ka lng talaga... pero in fernez nakaktawa nag story....

Anonymous said...

i love ur blog!

Anonymous said...

Melanie I saw Guino Quintana in your blog...he's my friend pero ndi ko alam na sumali xa sa Mr. Globe..ndi nmn kc nagkukwento ang bugok n yun.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...