Monday, February 7, 2011

Osang

Malinaw pa sa aking isipan ng makita namin ng mga kalaro ko si Rosanna Roces sa personal. Naka-black dress siya at kasama si Leandro Baldemor. Sakay sila ng owner-type jeep at paikot-ikot sa kahabaan ng Congresional Avenue. Nagshu-shooting sila ng pelikulang Patikim ng Pinya. Ang puti niya at palangiti sa mga usyoserong tulad ko.

Bongga na siya during that time at aware na ako sa mga pelikula niya dahil kinokomersyal sa TV ang mga pelikulang ipapalabas ng Seiko Films. 'Yun nga lang, hindi ko pwedeng mapanood. For adults only eh. Pero pwede akong bumili ng komiks na siya ang cover. Basta hindi makikita ni mudrakels ko.

TSARAN!!! After so many years, todong buhay pa sa aking baul ang unang labas ng Sexy Movie Stars komiks magazine kung saan siya ang nasa cover. Lumabas ito noong August 1997 under Atlas Publications


Eto naman ang article about her na nasa loob. Click mo ang imahe para mas lumaki at mabasa mo ng malinaw.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...