Monday, March 21, 2011

Baga

Mukhang mainit ang mga mata ng Imbestigador sa mga lugar kung saan nagkukuta ang ating lahi. Kasusugod lang nila sa The Boys of Bora aba't agad na isinunod ang Gold RPM Cinema, ang lumang sinehan sa Blumentritt, Manila.

Kadalasan, mga adan na may edad na ang tumatangkilik sa ganitong plasung. May mga bagets din naman pero mas marami ang thunder cats. Dito, malaya silang ilabas ang pagiging eba nila. Konting tinginan at kalabit lang, pwede na. Kahit sa upuan o CR, deadma sila basta maapula lang ang kanilang nagbabagang bulaklak.

Mali sa mata ng batas at moralidad ng tao ang gawaing sekswal sa pampublikong lugar. Kung gusto mo nga namang may makaulayaw, gawin ito ng pribado. Ngunit hindi naman lahat ay afford ang mga taxi room na inilalako ni aling Victoria. Yung iba, hindi magawa sa mismong bahay dahil may kasamang pamilya o iniiwasang pagtsismisan ng mga kapitbalur nila.

Santwaryo na kung ituring ng iba nating ate't lola ang ganitong lugar. Minsan, pangalawang tahanan nga. Ngayong isinarado na rin ito, hindi dito natatapos ang paglalakbay nila. Sisikilin muna pansamantala ang baga sa loob hanggang makakita sila ng panibagong lugar na magpapasilab sa kanila.

Watch the episode here.

4 comments:

horcrux13 said...

di ko pa natatry pumasok sa ganyan... kakatakot nga... sang sinehan ba ang safe?

Anonymous said...

tama lang na isara ung mga ganung klaseng sinehan.
mataas ang kaso ng hiv sa pinas, isang way na rin ito pra mabawasan ang bilang ng dami ng may kaso ng people with hiv/aids.

Melanie said...

-Teh horcrux13, wag mo nang i-try. Makiyawti at nakakasyokot sa loob.

-May punto ka diyan teh Anonymous March 21, 2011 9:46 PM.

Anonymous said...

bakit parang lumalabas na homophobic if not "one of us" si mike enriquez. na kadalasan e gay scene ang niriraid. ang ibang expose tv shows hindi madalas nagpapalabas ng mga ganyan usually scam. sa imbestigador halos weekly na lang. haaaayyyy!!! mike enriquez aminin!!!! ahahahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...