Thursday, June 23, 2011

Yapak

Matagal ng artista si Papa P at lahat yata ng kababaihan ay nahumaling sa kanyang angking kakisigan. Todo tilian ang mga mujer sa ASAP kapag siya na ang kumakanta. Kinikilig pati pantog nila. Noong first time ko siyang makita ng personal sa Isetann Recto (years ago) para sa kanyang mall tour, JUICE KO! Talagang nakaka-mesmerize ang kanyang gwapong itsu at masarap na bortawan.

Madalas siyang matsismis na kaanib natin sa pananalig. Madaming kuru-kuro sa iba't ibang sites na si ganito ay nakarelasyon niya, si ganyan ay nakachukchakan niya pero hanggang ngayon eh walang makapagpatunay na siya nga ay isa sa atin. Napanood ko ang isa niyang interview kay Boy Abunda at itinanong sa kanya kung siya ay bakla. Alam niyo na siguro ang kanyang isinagot diyan.

Nitong nakaraang Yahoo! OMG! Awards, tinanghal siya bilang Hottest Actor at tinalo niya sa kategoryang ito si Aljur Abrenica. Pero ang bonggang nakakagulat sa lahat eh 'yung caption sa picture above (from Starmometer). Ba't niya nasabi iyon? Close ba sila ni Papa Aljur?

Hay nako, wala na akong sasabihin pa. Ayaw kong sumunod sa yapak ni Lolit Solis kaya dito na nagtatapos ang Da Who! 

2 comments:

Anonymous said...

teh baka iwo-workshop nya si papa aljur, hehe

Anonymous said...

^^ .. ay sama ako sa workshop na 'yun .. hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...