Saturday, July 2, 2011

Indayog

Talagang todo excited na 'ko sa nalalapit na concert ni Kylie Minogue dito sa Maynila. At kahit na mahalya fuentes ang tiket, pikit-mata ko 'tong binili para lang ma-experience ang kanyang grandiyosang konsyerto.

Teenedyer pa lang watashi eh inaabangan ko na ang kanyang mga music video sa MTV Asia (Studio 23) at Channel V (UHF 27). Mine-memorize ko dati ang kanyang dance moves. Itinataas ang laylayan ng aking shorts sabay ipit sa aking brip para ma-achib ang micro-mini at saka ko isusuot ang de-takong na sapatos ni mudra. Tak tak tak sabi ng sahig kapag ako'y umiindayog sa saliw ng awiting ito...


Sa lahat ng Kylie fans out there, see you in Araneta Coliseum this July 5.

1 comment:

Anonymous said...

"Hai ako dehn teh, super excited na...see yah sa Araneta mga Kylie fanatic..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...