Saturday, July 9, 2011

Lamig lang

Medyo late na 'to pero hot topic pa rin ang pananapak ni Davao Mayor Sara Duterte sa isang sheriff. Dahil diyan, siya ngayon ang tinaguriang "Darna" ng mga taga-squala lumpur. May rason naman siya para mag-init ng ulo. Hindi nga lang niya kineri ang init kaya umabot ito sa kanyang kamao. Fes tuloy ni sheriff ang napagbuntunan niya. 

Nang mahimasmasan si Darna este si mayor, inamin niya ang pagkakamali at humingi ng dispensa sa tao. Personal daw siyang hihingi ng paumanhin sa biktima at 'di ipapaabot sa iba. Sana nga gawin niya.

Ang hindi ko kinaya eh ang asal ng kanyang ama na si Vice Mayor Rodrigo Duterte sa mga kritiko. With matching dirty finger pa. HUWAW! Yabang lang?! 'Yan ang literal na dirty politics sa Pinas.

Lahat naman tayo ay may karapatang uminit ang ulo lalo na kapag stressed at maraming ginagawa. Pero iba kapag public official ka. Lamig lang sa bawat problemang kinakaharap. Ang kailangan makita at maramdaman ng tao ay aksyon pero hindi tulad ng ginagawa nina Robin Padilla at Ronnie Ricketts. Keep your cool 'ika nga sa Ingles.

4 comments:

Anonymous said...

Homophobe ang mga Duterte! lalo na yang ama, pinahuhuli ang mga baklesh sa Davao.

Anonymous said...

sa totoo lang bilib talaga ako sa mga Duterte kasi kitang kita ang concern nila sa masa.. di tulad ng ipang opisyal panay pakyut on cam... hahaha..

p.s.

okay lang yang dirty finger..freedom of expression lang yan.. wag na kayong magpakaenosente...

Anonymous said...

ang bait at malambit ng mga duterte noh? nanapak at naka dirty finger sila? ganyan na pa la mga tao sa davao, sibilisado? nilalagay nila sa kanilang mga kamay ang hustisya? patanggal na natin si sheriff at judge, sila na lang....

walang ganyan sa states....

sila na lang....

Anonymous said...

to 3rd anonymous

wala ganyan talaga d2 sa Pilipinas paangasan..The more power you got the more angas you can be...at democratic ang country natin just soo you dont forget.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...