Wednesday, July 6, 2011

Nakamamangha

Todo ang saya ko magpahanggang ngayon dahil sa engrandeng konsyerto ni Kylie Minogue na nasaksihan ko kagabi. Puno ang Araneta Coliseum hanggang General Admission kung saan nakapwesto kami ni Ateh Paul. Grabe ang hiyawan ng mga tao kapag kinakanta niya ang mga pamosong awit tulad ng Can't Get You Outta My Head, Love at First Sight at Spinning Around.

Bonggang bongga ang stage design na napabalitang worth millions of dollars. Pati na ang kanyang mga isinuot na ilang beses din niyang pinalitan. Nakamamangha ang kanyang mga dancers na ilang beses umikot-ikot sa ere sa pamamagitan ng harness. Ang mga ginamit na lights ay nakadagdag buhay sa kabuuan ng show. 

Nakikipag-interact din siya sa audience at halatang overwhelmed sa todong support na ipinakita ng kanyang Pinoy fans. Hindi nga daw siya makapaniwala na first time niya sa ating bansa. She did a little research at kahit wala sa set list niya, kinanta niya ang mga awiting Especially For You at Locomotion na malapit sa puso ng Pinoy. 

Natapos ang konsiyerto pagkatapos ng dalawang oras. Sulit na sulit ang aming ibinayad. Lahat ng tao ay masaya at kung mauulit man ito... paniguradong susuportahan ulit siya ng mga Pilipino.

Maraming Salamat Kylie! ♥

7 comments:

jetlander said...

Andoon din kami kagabi, sulit na sulit ang ibinayad namin, nakatayo at nagsasayaw ako ng 2 hours!

Sayang di kita nasilayan

Anonymous said...

I know, super saya, dahil sa sobrang traffic iniwan namin yun driver namin sa quiapo at nag mrt kami, sorry Anne Curtis kami ang unang gumawa nun, nagtatakbo sa Farmers market hanggang makarating ng Araneta.

Cunelva sinverguenza said...

Grabe as in ansayasaya....worth it ang effort sa pagsuong sa terribleng traffic ng gabing yun. pati ang ticket na may kamahalan sulit na sulit...I Love u kylie

Anonymous said...

sobrang saya ng concert nya! me and my friends still have a kylie hangover! sana she comes back here ulit

Anonymous said...

Im suprised madaming alam ang lyrics ng Spinning Around at Love at First Sight sayang hindi nya kinanta yung 2 hearts, sino yung lalaki nagbigay ng flowers? Bkit si vice ang nanalo best dressed? Madami pa ako nakita na naka costume na mas maganda pa sa kanya?

Melanie said...

Teh Anonymous July 9, 2011 1:28 AM, madami naman kasi siyang Pinoy Fans kaya parang nagvideoke tayo sa loob ng Araneta Coliseum. Mas bet ko ang costume ni Pokwang pero mas "papansin" kasi si Vice kaya siya ang napiling best dressed.

Cunelva sinverguenza said...

I agree Pokwangs kyliesque costume is better than Vice but yun ang pinili ni Kylie so ok na din sakin. anyways share ko lang ang video ni ate kylie tungkol sa Manila concert. If u compare it sa ibang video nya sa asya pinakamahaba at mas bongga mensahe ni ate sa Pinas....as in Thrilla in manila talaga.. Eto ang Link
http://youtu.be/4I6_wHZNNHw

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...