Sunday, July 24, 2011

Tawa

Madaming movie critics ang nagsasabing 'di maganda ang launching movie ni Melai Cantiveros. May pagka-korni pa daw. Well, kakauwi ko lang from the movie house at todong iba naman ang naramdaman ko sa aking napanood. Maganda naman ito at tawa ako ng tawa sa mga eksena. Hindi maiiwasan na magkaroon ng mga korni scenes na normal naman sa mga pelikulang Pinoy. 

Refreshing mapanood ang bagong breed of comedians like Bekimon. Nakakatawa ang mga kontrabida eksena niya using bekimon language. Napaka-cute at charming sa screen si Jason Francisco samantalang si Melai ay talagang ipinanganak para sa komedya. Aliw din ang special participation ni Pokwang bilang nanay ni Melai. Sumakit ang panga ko sa bonggang kakatawa tuwing nalalaglag ang silver pustiso ni Ms. Gina PareƱo. Ang sarap-sarap naman sa paningin ang kaseksihan ni Martin del Rosario.

Kaya kung gusto niyong maaliw at matawa pansamantala, watch na kayo ng The Adventures of Pureza: Queen of the Riles. Palabas pa!

3 comments:

Anonymous said...

MAGKANO KAYA KINITA NITO? KASI NUNG FIRST SHOWING NITO,,DITO SA ROBINSON DUMAGUETE HINDI ITO NAKA SHOWING..HAHAHAHA

Anonymous said...

cUTE PALA si Jason Francisco!

kaya selos ako kay Melai...

Anonymous said...

Sana kc hindi si Soxie Tophacio ang direktor, pagkatapos kc nung scene sa simbahan/tae eh dragging na.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...