Saturday, August 13, 2011

Dilig (final part)

Walang tulugan ang party. Kantahan, inuman, kainan, sayawan, kwentuhan etsetera. Ang daming pwedeng gawin ng gabing 'yon. Pero diyata't nasaniban ako ng kaluluwa ni Kim Chui. Sweet 16 ang aura ko all night. Matiyagang nag-aantay ng isang Gerald Anderson na didilig sa nananamlay kong bulaklak. Ngunit walang dumating. Napanis ang sarap ko. Sayang.

Siya si Asyang, ang baklang kumabog sa byuti ko. Naka-two piece hanggang bukang liwayway. Punong-puno ng energy buong magdamag kahit na walang tulog bago ang handaan. Ikaw na ang palibutan ng sandamakmak na kalalakihan, ewan ko na lang kung hindi ka ganahan.

Pinatunayan niya sa akin na hindi basehan ang panglabas na anyo upang makabingwit ng matabang isda. Ang kailangan lang ang isang lambat ng kalandian at tiyak ang kasaganaan. Umuwi siyang may ngiti sa labi at nadiligan.

Tapos.

1 comment:

Anonymous said...

may fezbuk ka te? baka puwede kita i-add...
tnx!!
-juicer

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...