Tuesday, August 9, 2011

Dilig (part 1)

Napapadalas ang paglabas labas ko ngayon. Mukhang dapat ko talagang ibandera ang nanunuyo kong byuti at baka sakaling madiligan ito. Rampa ako sa birthday celebration ng aking friend na si Mike na ginanap sa isang pagkashala shalang private pool sa Laguna. Retro ang theme ng party at may premyo ang best-dressed. Wala akong mahagilap na retro-inspired outfit. Buti na lang at may isa pa akong dress na 'di nasusuot. Happy naman ako't si mareng Shanelle ang nanalong Miss Retro.

Mr. & Ms. Retro 2011
Bonggacious ang party at bumaha ng laps at nomo. Exciting makipagkilala sa mga bagong mukha at karamihan sa kanila ay very friendly at machika. Siyempre may iba din namang mahiyain tulad ko. Oo 'teh, mahiyain talaga ako sa personal. Karespe-respeto, disente at marangal. CHAREEENG!!!

Matapos lumafang ng bonggang bongga, inihanda ko ang aking buntot na gagamitin sa paglangoy sa pool. Tsismisan todo max with my girlfriends Vanessa and Analyn while drinking red wine. SUSHAL! Aurora Sevilla si Shanelle sa nagkalat na otoko. Nabalewala kaming friends niya.

Itutuloy...

3 comments:

gugmagiatay said...

Karespe-respeto, disente at marangal>>>>>>sure ka mare?

Melanie said...

Hindi ko rin alam 'teh gugmagiatay. Ahahaha! :D

Anonymous said...

mukhang napasabakka dito ha. aantayin namin part 2 ha. biliiisss na ahihihi

siangelongdiscreet1@yahoo.com

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...