Thursday, August 4, 2011

Kontrabida

Bago pa ininvade ng Asianovelas ang Philippine TV, una muna itong nasakop ng Latin Telenovelas. Hook na hook ang mga Pinoy sa mga Latino at Latina na nagsisipagsalita ng Tagalog. Mabilis kasi ang pacing ng istorya at walang paligoy-ligoy. Todo pa ang halikan ng mga bida. Tongue to tongue talaga!

Kung ang karamihan ay nakikisimpatiya sa bida na laging inaapi, bet na bet ko naman ang mga kontrabida. Sila kasi ang nagbibigay anghang sa istorya. Ang kadalasang karakter nila eh ubod ng yaman, maganda, kuntodo porma at mapang-api. Laging ginagaya ng mga bektas 'yan!

Sa dinami-dami ng telenovelang ipinalabas noon, sa tatlong 'to ako nagmana...

Paola Bracho ng La Usurpadora. Ang babaeng ginamit ang kakambal para maging impostor niya. Ginawa niya 'yun para bonggang makapanlalake siya ng 'di nalalaman ng kanyang asawa. 

Soraya Montenegro ng Maria La Del Barrio. Obsess kay Luis Fernando at tinik sa buhay ni Maria. Ang kontrabidang kahit nahulog sa building eh buhay pa rin. Patunay lamang siya na 'di madaling mamatay ang masamang damo. Inakit at dinivirginize niya 'din si Nandito, ang anak nina Luis at Maria.  

Eva Granados ng Gata Salvaje. Siya ang pinakapaborito ko sa lahat. Complete package sa pagiging kontrabida. Seksi, mayaman, ambisyosa at makapangyarihan. Lahat gagawin para makuha ang pagmamahal ni Luis Mario kahit pumatay pa!

3 comments:

Anonymous said...

Soraya is the major BITCH for me! and of course PEDRA...

Anonymous said...

Angelica Santibanez ang pinakamagandang kontrabida ni Thalia b4 sa Marimar

gugmagiatay said...

yes saan na si PEDRA? she's simply the best!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...