Thursday, September 1, 2011

Ang Pasko, mga OFW at 100 Days to Heaven

Opisyal na ang pagsisimula ng BER months at karamihan sa atin ay excited na dahil isa lang ang ibig sabihin nito... malapit na ang Pasko. YEHEY! Excited na akong makakita ng mga parol sa daan at magsabit nito sa aming balur. Siguradong bonggacious din ang mga dekorasyon na ide-display sa loob ng malls. Kabi-kabila din ang mga palabas na tungkol sa Pasko ang tema na mae-enjoy ng mga bata.

Ngunit bago yan, sana ay makauwi na ang ating mga kababayang OFW na patuloy na naiipit sa bakbakan sa Syria at Libya. Todong sakripisyo na ang mawalay sa pamilya kaya't dobleng paghihirap ang nararanasan nila ngayon pa't magulo sa kanilang kinaroroonan. Ang iba sa kanila'y hindi pinapayagan ng kanilang mga amo na maka-uwi. Ipagdasal natin ang kanilang kaligtasan.

Simula ng mawala sa ere ang Mara Clara ay hindi na ako masyadong nanonood ng telebisyon sa gabi. Pero nanumbalik ang sigla ko nang mapanood ko si Melai sa 100 Days to Heaven. Nakakakilig kasi kapartner niya, ang muy deliciosong si Franco Daza. Feel na feel ko ang istorya kapag ang isang babaeng mahirap eh nainlab sa isang gwapong mayaman tapos maiinlab din sa kanya ito. Eeeehhhh!!!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...