Friday, September 16, 2011

Cosmo Bachelor Bash 2011

Salamat sa aking mabuting kaibigan na si Chari at kinaray niya 'kong muli sa Cosmo Bachelor Bash. Ikalimang pagkakataon ko nang dumalo sa event na itis ng Cosmopolitan Magazine at talagang walang mintis itong napapataas ng kasabikan ko sa lalaki. Halatang kaong na akiz. CHOS! 

Dagsa ang 'sangkababaihan at 'sangkabaklaan kagabi para masilayan ang sandamakmak na sarap sa stage. Inumpisahan ni Jake Cuenca wearing pants na hinubad niya. Parang magigiba ang World Trade Center sa tilian ng tao. JUICE KOH! Ang sarap sarap ni Jake! Napuno agad ang pantiliner ko!

Rampa din sa stage ang iba't ibang modelo at artista tulad nina Rodjun Cruz, Lucky Mercado, Mike Tan, Aljur Abrenica at Brent Javier. Early 2000's pa ng maging laman ng pantasya ko si Brent at talagang hindi nagbago ang kanyang itsu. 'Di ko pinalagpas ang pagkakataon na magpa-fecture sa kanya. 

May bago din itinatangi ang puso(n) ko, si Robbie Becroft. Ang kyot kyot niya! Nakakaloka ang pagpapatakam ni Anton del Rosario sa kanyang tapur. Pati si Enrique Gil, hindi nagpahuli sa matatambok niyang pan de limon. Laglag ang panga namin!

Pagkapatapos ng show, inabangan namin ang mga mudels para makipag-litratuhan. Dedma sa hiya basta may ebidensya ng sarap. At dahil para akong papel na pakalat-kalat kagabi, may apat na nakakilala sa akin. Mga tagatangkilik ng blog na itech. Kung nababasa niyo man ito, maraming salamat sa pagsuporta. 

High na high pa ako hanggang ngayon dahil sa dami ng masasarap na putahe kagabi. Sana makapunta ulit ako nek yir.

12 comments:

Jeff said...

Thanks Ms. Melanie for allowing me to have a photo taken with you. Actually, first time ko pa lang makapanood ng Cosmo Bash live (buti ka pa, 5 times na...) and you really made that night extra special for me. Salamat nang marami! Keep up the great work with this blog! :)

Anonymous said...

san ang pic teh?

Anonymous said...

As always, kulang ang taon pag hindi tayo naka-attend dun hahaha.._tsary

Melanie said...

Thanks Jeff ;)

Anonymous said...

sna post mo rin ang picture nila,,,,, share kumbaga. tnx

Anonymous said...

it's a pleasure to finally have met you at very timely tlaga kc sa cosmo bash pa!!! i realy like your site. God bless Bb. Melanie!!!

pat said...

am i one of those 4 n masugid na reader na nakakita sau>? haha

Anonymous said...

Saw you there:)
I was planning to take a candid shot of you kaso daming tao. Haha
-RJ

MILKTEA said...

Madam Melanie!!! salamat din kasi nakapagpapicture kami syo. grabe ganders pala sa personal!!!

Anonymous said...

Miss Melanie, pwede rin bang pumunta sa Cosmo Bachelor Bash ang mga guys? Kasi sabi sa promo sa cosmo.ph open to Female readers only? paano yun?

Hope you can answer my query.
Thanks!

Anonymous said...

Hello, gusto rin manood ng friend namin na guy sa cosmo bachelor bash, pwede rin po ba sila? kasi sabi sa promo para sa mga female readers lang.

Sana masagot po ang aming katanungan. Salamat Ms. Melanie.

Melanie said...

Teh Anonymous August 24, 2012 9:05 & 9:18 PM, pwedeng pumunta ang guys sa event as long as my invite ka. The promo in Cosmo.ph is only open for women so kung may girl friend ka, pasalihin mo siya :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...