Wednesday, September 21, 2011

Glow, Blow, Know

Ano bang nangyayari sa SM at mukhang bagong target ito ng krimen. Noong isang linggo lang binaril ng isang misis ang kanyang mister sa loob ng SM North EDSA. Nadamay pa sa insidente ang isang sekyu. Kahapon naman ay dalawang beki ang patay sa loob ng SM Pampanga. Ang todong nakakaloka, trese at disi-sais anyos lang sila!

Ayon sa balita, si beki 13 at 16 daw ay magkarelasyon. May pinagselosan si beki 13 at dahil dito, napagpasyahan niyang barilin sa ulo si beki 16 na ginawa rin niya sa kanyang sarili. Agad silang dinala sa hospital ngunit parehong dineklarang brain dead na.

Pumunta ako last week sa SM North matapos ang barilan incident at walang pinagbago ang kanilang security system. Bago pumasok eh tsetsekin ni koyang sekyu ang bag mo pero hindi mag e-exert ng effort na kalkalin ito. Hindi na rin kinakapkapan ang katawan ng mga nagsisipagpasok. Hindi kataka-takang madaling naipasok ng mga suspek ang kanilang armas.

At ang mga bagets ngayon, ke aaga makipagrelasyones lansones. 13 years old? NAKAKALOKA! Siyempre nakakaramdam na ng crushes at paghanga 'yan sa ibang tao pero sa ganyang edad, dapat pag-aaral ang kanilang prioridad.

Bb. Melanie with high school classmates
Sa mga kabataan ngayon, 'wag naman sana ninyong minamadali ang pagtanda at pakikipagrelasyon. Ilang taon lang naman kayong magiging adolescent kaya dapat i-enjoy ang youthfulness at glow. Saka na isipin ang blow, you know?

10 comments:

Anonymous said...

Mall security checks are just for show. The security people are untrained and ineffective. These malls are a tragedy waiting to happen.

Aike said...

Bagong touris attraction ng mga bekis ang SMmalls. :)

Edgar Portalan said...

Ay oo ngah , kalokha mga bagets ngayon ...

Anonymous said...

huuummm..updated ang blog mo ah...sayo aq naloloka..more power

Froglita said...

ikaw ba yong natabingan ng hitad? ahahaha in fairness meron ka palang dr jekyll, miss hyde?

Anonymous said...

May tomoh ka teh!

garampingat said...

kalokah tlga ang mga kabataan ngaun...
sna mag-aral at mag-enjoy lang muna....

Anonymous said...

OMG Teh, ngayon ko lang nakita pic na yan. Nakakalungkot pala. Talagang pagkahulog niya eh yakap parin. How poetic pero in a diabolic way. Pero selfish talaga yung trese anyos na becky, sinama si ex-jowa niya sa misery niya. Nakakalungkot.

Anonymous said...

ikaw te at mga beki, pag nagmahal kayo hindi buo, mag tira kayo ng konti, incase nag mag hiwalay kayo ng mga jowa nyo, di kayo magpapa kamatay at mandadamay ng iba, tragedy talaga sa sm pampanga kase nandun ako sa mall mismo, scarry kala ko mga terorista di pala, mga beki quarel turn to death, ingat sa inyo mga beki...

Anonymous said...

bwiset ang mga guard na yan.. pinapabukas ang bag tapos tutusukin lang naman ng batuta.. anu ba yan?! hindi i-check ng maayos ng walang barilang nangyayari .. >:))

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...