Saturday, September 17, 2011

Tinimbang 2.0

Nadelay ng konti ngunit heto na ang ikalawa at huling timbang sa mga pelikulang tungkol sa buhay beki...

5. Ang Lihim ni Antonio
So far, ito ang pinakamagandang pelikula na naisulat ni Lex Bonife. Ang galing din ng pagkakadirek ni Joselito Altajeros. 'Di nakapagtatakang naipalabas ito sa iba't ibang bansa at nakapagpanalo pa ng akting award kay Kenjie Garcia.

4. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
This is not actually a gay indie film pero dahil beklaboom si Maximo eh isinama ko na 'to. Masarap panoorin na hindi hadlang ang kabaklaan ni Maximo para mahalin at pahalagahan siya ng kanyang tatay at mga kapatid. Nakakainggit. Nakakalungkot lang ang kinahinatnan ng kanyang pamilya sa ending ng pelikula.

3. Sikil
Ipinalabas noong early 2008 kung saan hindi pa laganap ang produksyon ng pink movies. Bestfriends na naging lovers ang tipikal na istorya. Ang sarap lang ni Ken Escudero dito.

2. The 'Thank You' Girls
Kakaiba ang pelikulang ito mula sa lengwaheng ginamit hanggang sa karaktek ng mga bida. Mabuhay ang mga beklitang mahilig sumali sa byuti pageants! 

1. Muli
Hango ito mula sa Palanca-award winning screenplay ni Gerry Gracio. May kahabaan ang itinakbo ng pelikula pero hindi nakakainip. Iilan lang ang karakter pero lahat ay mahalaga para sa kabuuan ng istorya. 

Ayon kay Sid Lucero, ito na ang huling pagkakataon na gaganap siyang vektas kaya siguro itinodo na niya ang performance dito. First time naman makipag-tsuktsakan ni Cogie Domingo sa kapwa lalaki on screen. Nakakagulat ang kanilang mga eksena pero ginawa naman in a very good taste. 

Ito ang nanguna sa aking listahan dahil bukod sa perpektong istorya at mga artista, naramdaman kong pinahalagahan ng pelikula ang pagmamahalan ng dalawang tao na nag-antay ng tamang panahon para ito'y pagsaluhan. Walang namatay sa mga bida at hindi nakakalungkot ang katapusan. 

6 comments:

Anonymous said...

is muli available on Dvd?

Anonymous said...

wow!!!!nalurkey namn ako s bgong bihis mong blog.akl ko nligaw ako hehehehe..panalo...MABUHAY KA TEH!
-tagamasid pampurok-

Anonymous said...

hindi ko napanuod ang sikil at muli.
but judging the poster, i agree with you ms. melanie.

The three other films are great.

San ba makakakuha ng copy ng The 'Thank You' Girls?

BTW, I love the new look!

Anonymous said...

-alam nyo ba kong saan pwde ma download ang Muli-? matagal ko na tong hinahanp eh.. hehe., thanks..

Ken said...

Ms Mel, bakit po walang Daybreak? - Ken

Melanie said...

-Teh Anonymous September 18, 2011 1:43 AM & September 19, 2011 4:28 AM, as far as I know eh wala pang DVD release ang Muli.

-Maraming salamat teh tagamasid pampurok!

-Teh Anonymous September 18, 2011 11:18 AM, wala pang DVD release sa Pinas ang The 'Thank You' Girls.

-Hi Ken! Let's just say na hindi tumatak sa aking isipan ang istorya ng Daybreak.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...