Tuesday, November 8, 2011

Mailap

KONGRACHULEYSHONS sa dalawang Pinay na nagpamalas ng kagandahan at katalinuhan nitong nakaraang linggo.

Unahin na natin si Dianne Necio na pasok sa Top 15 ng Miss International 2011 na ginanap sa China. Siya din ang tinanghal na Miss Internet Popularity. Patunay lamang na todong adik ang mga Pinoy sa kaka-Internet. Si Miss Ecuador ang nakasungkit ng korona.

At ang bonggacious sa lahat, second placer si Gwendoline Ruais sa Miss World 2011. Sayang at isang hakbang na lang sana at meron na tayong first ever Miss World crown. Ganun talaga at si Miss Venezuela ang nanalo. Maging masaya na lamang tayo sa ating nakamit. Pero dahil medyo bitter ako, magne-Nescafe Sweet & Mild na lang akiz. CHAROT!

The last time na umabot tayo ng ganitong pwesto eh noong 1973 pa. Ilang dekada muna ang lumipas so not bad di vaaahhhh?! Malay natin next year eh atin na ang mailap na korona.

Last one ang Miss Earth 2011 na gaganapin sa December dito sa Pinas. Abangan.

3 comments:

Anonymous said...

Nalurke naman ako sa Shitzu hairdo ni Ms. Gwen.Happy naman ako sa ipinakita niyang performance sa Ms. World. - Lee.

Melanie said...

Ahahaha! Natawa naman ako sa sinabi mo Ateh Lee pero trulaloo, medyo distracting ang kanyang hairdo during the coronation :D

Anonymous said...

mas nawindang ako sa korona ng MISS INTL. Exactly the same korona pa yata iyon sa panahon pa ni MELANIE MARQUEZ. Ung tinatali sa ulo tapos dapat naka ribbon form dapat ang pagkatali. Check nyo sa youtube

Infainess naman kay GWEN articulate siya sa pagsagot niya sa q&a makikita mo talaga na sincere siya.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...