Tuesday, November 1, 2011

Pagandahan

Dalawang buwan na lang ang bubunuin natin at 2012 na. Nakakaloka ang bilis ng panahon. Masyadong nagmamadali ah! Oh baka masyado lang akong busy kaya 'di ko ramdam ang paglipas nito? 

Gwen during top model competition
Hindi mawawalan ng ganap ang simula ng bagong buwan. Dalawa sa pinakamalaking kontes ng pagandahan ang gaganapin this month. Hihinto ang mundo ng mga byuti pageant fanatics sa London para sa Miss World 2011. Makikipaglaban si Gwendoline Ruais sa mahigit 'sangdaang kandidata para sa asul na korona na never pa nating nakamit. Does she feel any pressure right now lalo na't mataas ang expectation sa kanya ng mga Pinoy? Siya na ba ang magiging kauna-unahang Pinay Miss World? Alamin natin 'yan sa November 7, alas-diyes ng umaga sa GMA 7.

Dianne during talent competition
Pagkatapos ng ilang oras eh lilipad papuntang Chengdu, China ang ulirat ng mga bekla dahil doon makikipagkumpetensya si Diane Necio para sa Miss International 2011. Si Precious Lara Quigaman ang huling Pinay na nakapag-suot ng korona nito noong 2005. Mabalik kaya sa atin ito after 6 years? 'Yan ang dapat nating abangan.

1 comment:

Anonymous said...

Sa tingin ko sobrang puti itong bambato natin sa Ms. World. Mas bongga sana kung nagpa-spray tan para ma highlight ang kanyang curves at ganda ng kanyang face. Mas kamukha niya si Naya Rivera sa cast ng Glee, para silang twin sisters. - LEE.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...