Thursday, January 5, 2012

Buhos

Kawawa naman ang isa nating atih na located sa Nueva Vizcaya. Binuhusan siya ng boiling water ni fadir dahil wit nito bet ang pagka-beki niya. Hindi daw matanggap ni fadir na tatlo sa kanyang boys eh gurls. Grabe naman!


Hindi normal ang ganitong balita pero karamihan sa atin ay alam kung ano ang nararamdaman ni atih. Hindi man tayo nabuhusan ng kumukulong tubig eh ibang buhos naman ng diskrimisyon at pangungutya ang nararanasan natin. 'Yung ilan, mismong sa loob ng tahanan pa.

Mahirap na sarili mo pang kadugo ang hindi tatanggap sa pagkatao mo. Kaya nga nauso ang discreet gays de vaahhh?! Bawal magladlad or else may konsikwensiyang haharapin.

Hindi natin masisisi kung nais ipakulong ni atih si fadir. Sariwa pa kasi ang sugat. Maghilom man kaagad ang lapnos niya sa katawan pero matatagalan pa ang nasa kanyang puso't kalooban.

5 comments:

Anonymous said...

i have a feeling beki rin and tatay, kaya ganun na lamang ang galit sa anak kas ang huli kayang magladlad, eh siya (tatay), piniling magkubli sa maskara ng matrimonya.

Mac Callister said...

nakakaawa yun bading...hay naku. ipakulong ang tatay na yan!

Anonymous said...

i have the same feeling beki din ang Fadir, sobrang inggit sa anak dahil maganda ang anak niya at chaka si Fadir.

Anonymous said...

It is hard to believe that a father can do that to his child. This country is still so backward and barbaric.

Anonymous said...

This is such a cruel act. Tama ka, Melanie. Ito ang dahilan kung bakit may mga "discreet" or "closet gays." Lumalaki ang mga bading na parang isang sakit o sumpa ang pagiging bading nila. Kelan pa matatapos ang discrimination na ito?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...