Saturday, January 28, 2012

Giling

Tatlong gay bar pa lang ang napapasok ko sa tanang beki life ko. Knowsline niyo naman, hindi na masyadong tinatangkilik ang lugar na 'yan nowadays ngunit subalit datapwat kulang ang kulay ng bahaghari kung hindi ka pa nakakakita ng mga macho in tight puki shorts and bonggang boots.

Dalawa sa napuntahan ko ay nasa kahabaan ng Sta. Cruz at Recto. Walking distance lang mula sa Isetann 'yung isa kung saan may im-tu-im on stage. Nakakawala ng ulirat! Winnie da poo din 'yung nasa Sta. Cruz dahil B-Y (sabay tapik sa baba) ang mga ohms nila. Sad to say eh ilang linggo o buwan lang sila nagtagal. Na-raid pa 'yung isa.


Sa Makisig na-divirginize ang aking mga mata. Twice na ako nakapasok dito at siyempre, may kasamang friends. Shyness naman kung solo flight akiz. Epek na epek ang mga dancers ditey. Todo giling sa mellow music nina Gary V. at Celine Dion. Ewan ko lang ngayon kung updated na ang playlist nila.

Matagal tagal na simula nang ako ay huling mapadpad dito ngunit hanggang ngayon eh makisig pa rin ang kanilang establisyemento na nasa kahabaan ng Timog Avenue. Hindi pa naman ito nire-raid ng Imbestigador kahit nasa iisang street lang sila ng GMA-7 kaya safe siguro ang pumunta sa lugar na itechiwara. Walang entrance fee pero bahala na kayong dumiscover kung swak sa bulsa ninyo ang drinks nila.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...