Saturday, March 31, 2012

Souvenir

Muling tumagaktak ang tubig mula sa ulap. Ramdam ko ang lamig na dulot nito. Mula sa waiting shed na aking sinilungan, ako'y pumara ng FX na masasakyan. Sa aking pagsakay, isang matikas na lalaki ang aking nakasabay.

May makinis na mukha, kayumangging balat, namumutok ang maskels sa braso't binti. Hindi ko mapigilan ang panaka-nakang pagsulyap sa kanya. Pwede ko sana siyang titigan buong biyahe datapwat hindi ko iyon ugali. Biglang may nag-text at panandalian akong naukopa.

Ngunit hindi pala ganoon kadali na siya'y balewalain. Talagang ang lakas ng kanyang appeal. Kaya naman hindi ko napigilan ang humingi ng konting souvenir...

Habang binabagtas namin ang EDSA, gusto ko sana siyang tanungin: "Maaari ko bang makuha ang iyong numero?" pero naunahan ako ng takot. Takot na baka ako'y hindi pansinin. Ilang beses kong tinangkang ituloy ang aking balak ngunit naghari ang karuwagan sa aking katawan.

Iisa ang aming destinasyon, ang sumakay ng MRT. Siya'y nauna at inihatid na lamang ng aking paningin sapagkat kailangang ko pang bumili ng aking makakain.

7 comments:

Anonymous said...

teh wla kpa rin ba jowa? lapit na ngalahati ang taon dva sv mo un plano mo dis year ang magjowa?

Anonymous said...

teh parang naaamoy ko na may pagkabeki siya, dapat hiningi mo na iyong number. Feeling ko may pag asa ka :D

Hunks-in-Pictures said...

Mukhang masarap si kuya...

Anonymous said...

Mother melanie missed oppurtinity na naman, sana naglakas loob ka at tinanong mo "pare, magkano?" muka syang pa-booking.

Melanie said...

-Teh Anonymous Mar 31, 2012 04:45 AM, mailap talaga ang mga boys ngayon. CHAR!

-Teh Anonymous Mar 31, 2012 09:10 AM, nagsisi nga ako pagkababa ng FX. Sana nga sinubukan ko.

-Teh Hunks-in-Pictures, TREW!

-Teh Anonymous Apr 1, 2012 10:16 AM, kaloka naman 'yung tanong mo teh! Baka kamao niya ang isagot sa akin :D

Anonymous said...

Landi lang teh. hahaha - Lola

pat said...

ay naku
nakakapanghina nga ng resistensya si kuya
lakas makapag CENTRUM
complete from A-Zinc

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...