Wednesday, April 18, 2012

Bb. Pilipinas 2012 winners

Last Sunday night ang isa sa pinakagrandiyosang gathering ng mga bektas sa Araneta Colisuem dahil sa taunang Binibining Pilipinas. Habang ang lahat ay nagkakasiyahan, binuro na parang atchara ang byuti ko sa opisina. Wit ko na nga napanood ng live, wit ko pa rin napanood ang TV telecast. IMBEY!

Si Janine Tugonon ang nakasungkit ng korona bilang Miss Universe Philippines na dating Bb. Pilipinas-Universe ang tawag. Mas maganda kung hindi na lang nila pinalitan pero hindi ako si Madame Stella kaya 'wag na watashi umarti. Pambato naman natin sa Miss International 2012 si Nicole Schmitz at ang disi-otso anyos na si Katrina Dimaranan naman ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Tourism. Runners-up naman sina Ali Forbes at ang 5'10" byuti na si Elaine Kay Moll

Hindi man nakoronahan ang last year 2nd runner-up na si Mary Jean Lastimosa eh naiuwi naman niya ang Miss Avon at Miss PAL awards. Ilan pa sa mga betchikels ko ang winerva ng special awards katulad ni Giselle Angelica Munoz as People's Choice at Karen Gallman bilang Miss Photogenic

Nawa'y magtagumpay ang new set of Binibinis sa mga international pageants na kanilang sasalihan. Pinoys will support them all the way!

*Photos courtesy of Missosology.org and OPMBworldwide.com

3 comments:

Anonymous said...

? walang BB. Pilipinas-WORLD? wala na silang ipapadala dun?

Melanie said...

Wala nang Bb. Pilipinas - World kasi iba na may hawak ng franchise 'teh. Si Cory Quirino na and the name is Miss World Philippines.

Anonymous said...

^^^ thank you po sa clarification dear Melanie!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...