Wednesday, April 4, 2012

Blockbuster

Wit ko makalimutan ang petsang February 14, 1998. Hindi dahil sa nakipagdate ako sa araw na 'yan (dose anyos pa lang ako nun noh!) kundi nanood akong mag-isa ng Titanic sa SM North. Araw ng mga puso kaya naman puro lovers in paris ang kasabayan ko sa loob ng sinehan. Buti na lang at safe sa bata ang manood sa SM. Panay ang ronda ng bantay with matching nakakasilaw na flashlight. Bawal gumawa ng mahalay.

Pagkapasok sa eskwelahan, todo daldal na sa mga classmates tungkol sa movie. Amaze na amaze sa visual effects at pagkakahati ng barko. Kilig na kilig din kami kay Leonardo DiCaprio. Talaga naman super gwapo siya sa pelikulang iyon. Madali talagang pakiligin ang bubot na puso.

And after 14 years, ipapalabas na ulit sa sinehan ang blockbuster movie ni James Cameron. All these years, marami pa rin ang fanatic at 'di nagsasawang ulit-ulitin sa VCD, DVD at cable TV ang pelikulang ito. Ginawa ko na 'yan kagabi pero kung bet niyo sa malaking sinehan with bonggang 3D glasses, simula April 7 ay mae-experience niyo na ulit 'to.

Heto ang 2012 trailer ng Titanic in 3D...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...