Sunday, April 8, 2012

Sampung Binibini 2.0

Eksaktong isang linggo na lang at makikilala na ang mga bagong kokoronahan sa Binibining Pilipinas 2012. Todo na ang excitement ng 'sangkabaklaan lalo na ang mga beauty pageant fanatics bilang dalawang taon na sunud-sunod tayong naka-enter sa Miss Universe at Miss International. Pressured ang ilan dahil ayaw nating maligwak ulit sa mga patimpalak na 'yan.

Hindi maiiwasan ang kabi-kabilang tsismis ng 'lutuan' tuwing season ng Bb. Pilipinas. Master chef daw diyan si Madame Stella Marquez-Araneta ngunit taun-taon naman ay merong ganyan. Parte na ng kumpetisyon na dapat nating makasanayan. Nasa sa atin na kung paniniwalaan o hindi... and I choose to not believe it. Simply because walang proof. Kahit sino pwedeng gumawa niyan. Agree?

Nahirapan ako ng bongga sa pagpili ng sampung betchikels ko. Inakala ko noong una na mahina ang batch na ito kumpara noong isang taon pero hindi pala. Bawat dilag ay may kanya-kanyang angking kagandahan at karisma. Sa ilang linggo kong pagmamasid at pagkilala sa kanila via Missosology.info, silang sampu ang aking feel na feel.

BB. PILIPINAS - UNIVERSE

International Appeal 
Jaine Hidalgo
Paborito ng ilang international forumer sa Missosology. Exotic Pinay beauty na sinamahan pa ng maganda at proportion na katawan. 

Brains
Janine Tugonon
She almost made it last year. Magaling sa pananalita at may conviction. Importante 'yan sa Miss U lalo na't kabi-kabila ang press conference na kanilang dinadaluhan. 

Underrated 
Giselle Angelica Munoz
With her strong credentials (Ateneo and UP), we can never go wrong with this lady. 

Mga Alternatibo:

Fer Mary Baliquig & Ayelee Dasalla

***

BB. PILIPINAS - INTERNATIONAL

Positivity
Golda Soller
Kapag siya'y ngumiti, lahat ay nahahalina. Samahan pa ng positibong aura at charming personality, siguradong swak tayong muli sa Miss International. 

Fierce
Ali Forbes
Kabogera pagdating sa glamshots. Marunong mag-project at may buhay ang mga mata. Ramdam din ang fighting spirit niya.

Dusky Beauty
Mia Arcenas
Pambato ng Cebu this year. Na-impress ako sa paraan niya ng pagsagot sa isang interview sa TV Patrol. We need a good speaker pagdating sa Miss International and I think perfect siya doon.

Mga Alternatibo:

Mary Jean Lastimosa & Karen Gallman

Abangan sa Linggo, April 15 ang grand coronation night sa Araneta Colisuem na ipapalabas sa Kapamilya Network.

4 comments:

Anonymous said...

sana sumali tayo dito ms melanie kaya naman naten kabugin lahat yan :)

Anonymous said...

ateng abagan q nga yan sa tv... pareho bet natin..Hidalgo rin ang bet pan bato natin sa ms. u....

Anonymous said...

Hi Melanie. I have been a fan of your blog for quite sometime because of the humor you bring to it. From our team, Aces&Queens (specially from Jaine, Janine, Giselle and MJ), thank you for believing in our crop of beauties.

xoxo Bessie

Melanie said...

-Teh Anonymous April 8, 2012 7:16 PM, wala nang coronation night na mangyayari kapag nakita nila tayo. Agad agad winner ang byuti natin :D

-Teh Anonymous April 9, 2012 8:55 PM, malakas talaga appeal ni Jaine Hidalgo just like us. CHARAT!

-Teh Bessie, I'm so honored naman at isang tulad mo ay napapadpad sa aking kaharian. Good luck sa mga pambato ng Aces & Queens sa darating na Linggo :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...