Tuesday, May 22, 2012

Sa bawat paglagok, tulong ang maiaabot

Last week ay nag-shopping galore kami ni bessy Kriselda sa kahabaan ng Recto at Quiapo. Bandang alas-dos ng tanghali 'yon kaya naman nanlagkit kami sa pawis at todong nauhaw. Josok kami sa Mini Stop para bumili ng maiinom. Madaming brand ng bottled water sa cooler pero isa ang nag-stand out... ang Hope in a Bottle.

Napanood ko na ang TVC nito pero 'di ko masyadong matandaan ang mensahe. Basta si Titoh Bhoy ang endorser. I did a little research over the world wide web at ayon sa nabasa ko, kapag ito ang ating ininom, makakatulong tayong makapagpagawa ng public school classrooms. AMPERFEK! PANALO 'TO!

Bilang isang produkto ng pampublikong paaralan, susuportahan ko 'to nang BONGGANG BONGGA! I am encouraging all of you to support this beautiful project. Sa bawat paglagok, maaari nating mabawasan ang mga estudyanteng nagkaklase sa corridor, hagdan o lilim ng puno. Don't worry kasi hindi naman nalalayo ang presyo nito sa leading brands of bottled water.

Bukod sa Mini Stop, maari niyo 'tong mabili sa Krispy Kreme, Seattle's Best, Jamba Juice, Kenny Rogers, Suy Sing, Shopwise, Rustan's, Robinsons, Super 8, South and Landmark supermarkets.

Para sa karagdagang impormasyon, follow them on Twitter @HopeInABottle or visit their Facebook account here.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...