Friday, June 1, 2012

Aparisyon

Ang lakas ng ulan kahapon ng hapon, buti na lang at pahinga ko sa trabaho. Balita ko eh bumaha daw sa Makati. Magpapa-facial sana ako kasama si super friend Charie kaya lang hindi umabot sa cut-off ng clinic kaya bonggang rumampa na lang kami sa SM at TriNoMa. May nakakita pa yata sa pakalat-kalat kong byuti. Ateng, kung naka-gray na t-shirt 'yung nakita mo, ako nga 'yun!

Nauna akong dumating sa tagpuan namin so habang waiting galore, more scan ako ng books and magazines sa National Bookstore at Booksale. Interesante ang mga cover boys and girls ngayong buwan. Nauna ko nang binanggit si Kaye Abad kaya eto pa ang ilan sa mga eye-catching issues...

As usual, as ever, as always eh 'sing tamis ng mga bulaklak sa damit niya si Kim Chiu sa Cosmopolitan. I wonder kung kung nakakarelate si Kimmy sa articles sa loob  Sina Anne Curtis, Liz Uy, Georgina Wilson, Isabelle Daza at Solenn Heussaff naman ang feature sa 17th anniversary issue ng Preview. Kulang yata? Bakit wala si ateng? Kilala niyo ba ang tinutukoy ko? Wa na clue at baka ma-Nadia M. part 2 akiz kaya i-zipper na ang ngangabash.

Punta naman tayo sa mga boys. Nyam nyam si Joseph Marco sa back-to-school issue ng Garage. Kapamilya network, more exposure pa sa kanya. As in todong i-expose niyo na! Braso de ulam naman si Zac Efron sa Chalk. Ang wholesome naman masyado nilang dalawa. Kakaumay. Next na nga!

Papa John Lloyd Cruz for Esquire (wholesome pa rin). Never pa akong nakakabasa ng magazine na 'yan. Pang-sosyal much yata. Ay eto, wet and bakatchi si Anton Del Rosario for Men's Health. KJ lang ang white tee! Dapat shinunggal na para delight. 

Are you ready for the last one? As in ready? Oh hinga muna ng malalim at baka atakihin kayo sa masasight niyo. Eto na. 1...2...3...

TSARAAANNN!!!

NAKAKALOKA! Topless si ateng sa Playboy magazine. Well mas nakakaloka kung naka baro't saya siya de vaaahhh?! Ultimate pasabog naman 'to para sa solid fans niya (kasama ako dun). Hindi lang siguro ako sanay na nakajubad siya pero lagi naman maiksi ang damit niya sa ASAP so hindi na rin kataka-taka na magagawa niya ang ganitong fearless pictorial. I wonder kung kasama ito sa 5 year contract na pinirmahan niya sa Viva. Aparisyon ba ito ng Viva Hot Babes

2 comments:

Anonymous said...

Oo nga nog wala si Ms Raymonda G sa cover ng Preview! kaloka!

Anonymous said...

kamukha niya c cynthia patag

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...