Sunday, July 22, 2012

Patiently

Ngayon ko lang na-appreciate kung gaano kasarap ang wholesomeness ni Steven Silva. Kahit rumampa siya ng half-nekkid sa Cosmo Bash two years ago, hindi bastusin ang kanyang dating. Swerti ni ateng Diva Montelaba kung totoong mag-jowa sila!


Though siya ang winerva sa Starstruck V as the ultimate male survivor eh medyo naungusan siya ng runners up na sina Rocco Nacino at Enzo Pineda pagdating sa dami ng projects. Last time na nag-bida siya ay sa afternoon soap na Koreana together with Kris Bernal. After that, mga supporting roles na lang ang napunta sa kanya. Hindi kasi siya marunong mag-Tagalog when he won. Mas may hatak kasi sa masang Pinoy kapag matatas sa lengwaheng atin. Good thing dahil sa todo niyang Tagalog lessons eh marunong na siya. Patiently waiting din siya sa kanyang big break. Gusto ko siyang samahan sa pag-aantay ♥


Sa susunod na buwan ay susubukan niyang kumanta at umakting sa ibabaw ng entablado with Frencheska Farr para sa theater adaptation ng children's book na Hope for the Flowers. Bukod sa Manila, magkakaroon sila ng bonggang performances sa Cebu at Davao. Let's wait for that!

*Images courtesy of Pinoyexchange.com & Paul Cortes Photography

3 comments:

Froglita said...

hindi naman problema kung hindi siya matatas managalog. ang daming puwedeng ipagawa sa kanyang iba. e bakit si sam milby? natuto na lang managalog sa mga soaps niya?

Anonymous said...

c sam hinasa ng star magic ewan kolang ang gma hehehehe

Anonymous said...

bet na bet ko cia mareng mel.

-tagamasid pampurok-

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...