Saturday, September 8, 2012

Kagandahan

Beauty pageant season na talaga! Kung last month ay nakoronahan na agad ang bagong Miss World, ngayong buwan naman malalaman kung sino ang magiging Miss Supranational 2012. Hindi pa masyadong bongga ang pagandahan na 'to kumpara sa Miss Universe at Miss Earth. Noong 2009 lang kasi ito nagsimula pero itinuturing nang ika-lima sa grand slam pageants sa mundo. First time nating magpadala ng kandidata last year sa katauhan ni Lourenz Grace Remetillo.

This year, ang kagandahan ng veinte aƱos at Binibining Pilipinas 2012 1st runner-up Elaine Kay Moll ang napiling magwagayway ng ating bandila sa Warsaw, Poland. Ilang taon na daw inaawitan ng pageant organizers si Madame Stella Marquez-Araneta at ngayon niya lang pinagbigyan. TUCHAL!

Sa September 14 na grand coronation night at mukhang todo-lakas ang laban natin. Sa magandang tindig at taas na 5'11", mahirap na 'di mapansin ang gandang Pinay. Kaya sa ngalan ng 'sangkabaklaan, we wish you luck and may you bring home our first-ever Miss Supranational crown.

4 comments:

Anonymous said...

ang nkakaloka lng sa pagandahang ito ay may bayad ang voting...5 dollars b??o ten dolyares...
eniway..sana mnalo cia!!goodluck!at congrats in advance...


-tagamasid pampurok-

Anonymous said...

Ang ganda nya but I never heard of supranational.

Anonymous said...

tangkad nya sa likuran huh..winner yan cgrdo bsta wag lang pumalpak a Q and A like what happen to her in bb.pilipinas..

Anonymous said...

Teh, melanie, I update mo kame dito ha.. Gusto ko sya. Bet ko din xa nung Bb pilipinas. Dapat sumali ulit sya next year. Malakas kasrisma nya at very elegant sya nung Bb. Pil. Hindi ko lang masyado gusto styling nya dito.. sana palitan. Mas gusto ko yung aura nya nung Bb.


Gelo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...