Tuesday, September 11, 2012

Makulay

Saturday, August 25, 2012
5:27 AM

Haller Miss Melanie!

Pwede bang magrequest na i-feature mo ang 90's bold star na si Roy Rodrigo? Baka naman may mahahalungkat ka sa mahiwagang baul ng iyong mga koleksiyones ng lumang Chika Chika magazines na bonggang bonggang makukulay at malalaking litrato ng dating sexy actor na itey. Bet na bet ko siya noong bagets na klosetang badet pa ko, noong kasagsagan ng bold films ng dekada nobenta. Tumanders na aketch at lahat pero tulo laway pa rin ako pag nakakasight ako ng litrato nya sa internet. Winner na nga ang katawan, wagas lang ang pagkabalbon, tindi pa ng arrive! Kahit tanderkats na si Lolo Roy ngayon for sure may asim pa rin 'yun. Sana po eh mapagbigyan nyo ang request ko.

Thank you,
Myles

***

Haller Myles,

Maraming salamat sa iyong pagsulat at pasensya na sa delayed telecast sapagkat busy ang byuti ko nitong mga nakaraang araw. Subsob sa trabaho para may pangsubsob sa... sa... alam mo na 'yon. CHARAT!

Aking kinalkal ang baul ng Clasikong Coleksyon at todong naghagilap ng makulay na larawan ni fafah Roy Rodrigo. Sa kasamaang palad ay wa-i akong nasightsung. Ilang piraso lang kasi 'yon. Ngunit 'wag mangamba sapagkat may nakita ako, black and white nga lang at may kalabuan pa. Pagramutan mo ang tangi kong nagawa para sa iyong hiling...

(pindutin para lumaki)
 
Mga Hubaderong Hindi Bastusin
by Melchor Bautisa
Chika-Chika Extra-Extra
Vol. 1 No. 7

Nananawagan ako sa mga ateng natin diyan na may mabubuting puso at busilak na kalooban (sipsip), kung kayo ay may natatagong yaman tulad niyan at nais ibahagi sa 'sangkabaklaan, email niyo lamang sa akin ang mga imahe.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

6 comments:

Anonymous said...

Ate Melanie meron ka bang mga photos ni PYKE MONTEVERO aka ALAIN SIA. Very limited kc ang mga photos nya sa net. Ung promo lang yata ng BURLESKQUEEN with INAH RAYMUNDO nakikita ko sa net.

Anonymous said...

haaay oo nga,, pantasya ko din to nuon bata pa ako...madami akong nbiling magazin n colored nuon na cia ang pabalat..chika-chika ata un...d ko n malala mga name...nung ngcollege ako pguwe ko gling gimik...bumili ako sa may khabaan ng padre faura ng gnung mga magazines...pakwayan talaga gngwa ko..mga lumang issue kung minsan nktgo ang mga ito s newstand...ky minsan lakasn ng loob mong ttnungen mga madadyaryo,..kaso..nung ngpunta ako dto s ibng bansa,pinasa ko ang aking korona sa isa kong friend para pagingatan nya..kc d pwedeng iwan s balur at d ko rin bet isama s luggage ko(hahahahha)...mawiwindang ang angkan ko pagnalaman nila....hahaha...sa kasamaang plad...nbasa daw lahat ng ito...at nasira nuong bagyong ondoy...alangan nmn daw na unahen ng lola mo n isave ang mga magazines at dvd kesa sa mga life nla.


-tagamasid pampurok

Myles said...

Bb. Melanie, shoot sa banga pa rin ang mga nahanap mo sa iyong mahiwagang baul. Sobrang na-appreciate ko ang pagtugon mo sa aking request at sa bonggang pag-effort. Maraming maraming salamat! Winner ka ateng! - Nagmamaganda at nagmamahal, Myles

Anonymous said...

napansin ko yung jun massage ..dati na kami pumunta dun..bukas pa kaya?? nyurels lang lasi dati,,

Anonymous said...

BB. MELANIE...just want to ask you if you are willing to sell all those old copies of chika chika,extra extra ,hot copy magzines etc...i am willing to buy them..let me know

Melanie said...

Teh Anonymous September 23, 2013 at 6:54 AM, send me an email so that we can discuss :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...