Monday, September 3, 2012

Nakaririmarim

Alfonso Aviles
Ipagdasal natin na sana'y maka-recover agad agad sa pagkaka-coma si PMA Cadet First Class Alfonso Aviles. Graduating na sana siya pero dahil sa kagustuhan niyang mapigilan ang holdapan sa loob ng jeep ay napahamak siya't nabaril sa balikat at leeg. Naglagos ang bala sa kanyang ulo na naging sanhi ng kalagayan niya ngayon. Ang mas nakaririmarim, sapilitan pang kinuha ng holdaper ang PMA bull ring bago tumalilis. Kasalukuyang siyang ginagamot sa AFP Medical Center.

Bonita Baran, the battered househelp
Heto pa ang isang nakaririmarim na balita. Isang kasambahay ang todong minaltrato na humantong sa kanyang pagkabulag. Ang mga suspek: ang mag-asawang amo niya. Walang awang pinupok sa ulo, sinaksak, sinakal at ikinulong pa sa bahay. Ang pinakamalala, plinantsa ang kanyang fes. NAKAKALOKA! Hindi ko kinaya ang balitang ito! At ang depensa nina sir at ma'am, siya daw ang may gawa nun sa sarili niya. Kung hindi ba naman mga hayup! Sinong matinong tao ang mag-iisip na saktan ang sarili? Mabulok sana sila sa bilangguan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...