Thursday, October 11, 2012

Tukso

Babala: Ang susunod na mababasa ay pantasya lamang ng isang bektas na walang magawa. Matinding pag-unawa ang kailangan.

Gabi. Umaambon sa labas. Dinig mula sa bintana ang nagvi-videoke at kumakanta ng Labanan Natin Ang Tukso. Muli na namang suot ni Bb. Melanie ang puting nighties. Parang siyang multo sa gitna ng kusina. Kumuha ng kopita at nagsalin ng Gran Matador Light. Pagkatapos ay umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto. Humarap sa tokador, pinagmasdan ang sarili at umupo. Inilabas sa drawer ang yellow pad at itim na Panda ballpen ('yung may glitters at mabango). Tila may lungkot sa kanyang mga mata. Pumikit-pikit pa bago pinahid ang luha saka nagsimulang sumulat...

Dear Richard,


Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at nawa'y 'di ka nahihirapan sa iyong training. Alam kong tinitiis mo ang hirap para sa pangarap mo at naiintindihan ko 'yon. Kung tinatanong mo kung kumusta ako, eto malungkot... dahil iniwan mo. Pero alam ko naman na babalik ka rin at tayo'y magkikitang muli.

Nitong mga nakaraang araw ay binalot ako ng matinding pangungulila sa'yo. Nami-miss ko na ang dating ikaw. Ang mga naglipana mong larawan na tanging bikini lang ang tangan. Shet! Nag-wet ako.

May ipagtatapat ako. May nakilala akong iba. Naalala kita sa kanya. Ang tindig, katawan at katauhan. Natunaw ako sa kanyang ngiti. Nanginig ang aking mga tuhod. Ako'y natukso at tuluyang natangay sa agos ng kataksilan. Panandalian kitang nakalimutan. 

Patawarin mo ako sa aking nagawa. Sa tuwing nakikita ko siya, tila ba limot kita. Ang sarap din kasi niya. Hindi ko masabi kung sino ang mas masarap sa inyo kaya sana ay huwag mo akong papiliin. Mahal pa rin kita pero mahal ko na rin siya. 

Oh Richard! Naguguluhan ako. Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?


Nagmamasarap,
Bb. Melanie

8 comments:

patrick said...

hehe miss ko na din sya teh, actually i accidentally got his number, he posted some pix of his card/physical test sa training at nakalagay ang number haha, unfortunately di na active :(
well, he was spotted sa baguio last time.

Anonymous said...

nakakamiss na nga siya, wala na akong nakikitang mga bagong pics niya. malapit lang skul niya sa haus ko pero di ko pa rin siya nakikta..sana dito siya madestino pag pulis na talaga siya..gagawa ako ng krimen para siya ang humuli sa akin..wahahaha!

martin said...

Training for what BB Melanie? Sundalo?

Anonymous said...

hahaha, wala k talagang kazing lantod Ms. M. sabi nga e IKAW NA.


tidyong

Melanie said...

-Teh patrick at Anonymous, awwww dami na natin nakaka-miss sa kanya :(

-Teh martin, magpupulis siya. Nasa Baguio siya ngayon at baka nga nilalamig na 'yun dahil wala akiz sa tabi niya. CHARROZ CALDO!

-Teh tidyong, kalantod lantod naman kasi sila hihihi

illuzion said...

totoo b yan o isang malalang essay writing lang..

pat said...

totoo illuzion

Anonymous said...

sobrang relate naman ako sau Bb. Melanie. Dati si Richard din ang pantasya ko pero nung makita ko si allen, nakalimutan ko sya sandali. naguguluhan din ako kung sino sa kanilang dalawa....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...