Monday, November 5, 2012

Sa Libertad, Muñoz at Cubao

Muli na namang naimbitahan ang byuti ko sa Philippine Fashion Week nitong October 28 courtesy of fashion designer June Pugat. Katulad ng dati, ginanap ito sa SMX Convention Center. Dahil na-trauma ako sa pagiging underdress last time, sinigurado kong hindi na mauulit 'yon kaya ilang linggo ko rin pinag-isipan kung ano ang bonggang susuotin ko. Bet ko sanang mag-Michael Cinco o Furne One kaya lang hindi ko alam kung paano gagawing katotohanan ang isang panaginip. Kaya dalawang araw bago ang event, napadpad ako sa kahabaan ng Libertad para todong maghagilap sa mga ukay-ukay doon. Hulas ang byuti ko dahil wa me matype-an. Ride ako ng LRT papuntang Muñoz at muling naghanap ng blusang babagay sa aking alindog. Wit din successful. Nawalan ako ng pag-asa. Para akong mababaliw. Isa lang ang solusyon sa problema ko, ang injanin ang mga kasama ko pero nakatunog kaagad sila. Isang araw bago ang big event, nagpropose hindi ng engagement kundi ng hair and muk-ap sponsorship ang officemate ko na may ari ng Salon 1310 na si Rollie Openiano. Siya na daw bahala sa overhauling ko. Mukhang ayaw i-adya ng kapalaran na 'di ako pumunta kaya pagkatapos ng trabaho, go ako sa The Platform sa Galleria para bumili ng shu-es. Tagumpay dahil ang dating 1299 ay nabili ko lamang ng 199. PAK!

Sinamahan ako ni Jaycee (na dating si Shanelle dahil pa-men na siya ngayon) sa Cubao para doon maghanap ng masusuot. Ang requirements ko sa aking isusuot ay dapat (a) hapit sa hubog ng aking katawan, (b) may sleeves, (c) kulay itim at (d) maiksi para kapag tumuwad ako, alam na. CHOS! May isa akong nakitang H&M pero mahigit 200 pesos. MAHAAALLL!!! Dahil galing pa ako sa trabaho at naglamyerda pa sa Ortigas, hindi ko na kinaya ang mahalukay ng sangkaterbang damit. Malapit na akong gumive-up ng nakita ko ang blusang itim na mukhang babagay sa ganda ko. Swak sa budget ang presyo kaya paysung agad.

Dumating ang araw na pinakaaabangan. Wala pa akong accessories at bagelyang magagamit kaya maaga pa lang, nasa Landmark na akez. Pikit mata kong binili ang silver hand bag worth 269.75. Nasa MRT na ako ng maalala kong hindi pala ako nakabili ng accessories kaya imbes na sa Buendia bumaba, sa Ayala station na lang. Buti na lang at may mga tindahan doon kaya nakabili ako. As usual may tawaran portion. At sa halagang 190, may hikaw at dalawang bangles na akez. Heto na ang mga picas. Pwede kayong matakot bilang katatapos lang ng Undas hehehe...

Make-up with Rollie (09274354337)
Blusang itim sa labas, Darna sa loob.
With Shanelle and Mike
Hala pose lang! Blurred tuloy!
'Yung isang fes pina-blur talaga for security purposes. Meganun!?!
More chika sa labas
Feel na feel ang shu-es
June Pugat collection for PFW SS 2013
Bongga kasi hand-painted ang designs niya. Effort!
Around 7 PM natapos ang Grand Allure. My friends and I decided to witness Menswear din pero 9:30 pa yun so laps muna kami sa Wendy's. Palabas pa lang kami ng SMX ng mag-request ako sa kanila na maupo muna. Sakit na sakit na ang tiil ko. Parang puputok na ang mga ugat. After 10 minutes eh umokay naman na. Sa SM Department Store kami dumaan. JUICE KOH! Ang liwa-liwanag doon. Maaaninag ng husto si Darna na tinatago ko sa loob ng sheer dress. Umalma ako pero 4:1 ang ratio kaya nilunok kong lahat ng hiya, diretso ang tingin habang naglalakad sa loob. Nakalabas din naman ng maayos. Around 8 na ng bumalik kami sa SMX. Box-office ang pila pero 'di pa nagpapapasok kaya tambay muna kami sa gilid ng gigantic karatula. Eksaktong 9:30 ng magpapasok sila. Pinapasok muna namin ang karamihan. Salamat naman at nakaupo pa kami ng friends ko.

Kinukumpuni ang nalaglag na hikaw habang...
...pinapahinga ang paa! 
Thank you daw sa suporta sa Philippine Fashion Week
Walang kupas sa kasarapan si fafah Brent!
Jiro Shirakawa
Fafah Daniel Matsunaga
June Macasaet
Laxie Villar. AMPOGI!
Christian 'di ko matandaan ang last name
Lagi ko siyang nakakasabay sa MRT with his famous bangs
'Di ko maalala ang name kahit palagi kaming may pic sa Cosmo Bash
Hooongkyut niya
This is it pansit!
Ganda ng polo
Sa polo talaga ako nakatingin. Promise!
Summer na summer ang dating
Futuristic and formal
I love the color pallete
Cute ng color combination
Hindi lang ako ang naka-sheer
Bet ko naman sumayaw ng 'There's A Kind of Hush' sa suot nila
Big sleeves
I like this collection
Tayong tayo naman sila
Uy! Si Christian Bautista oh!
Akbayan mo niyo rin akiz
Batian portion: Thank you so much to June Pugat for the invites. To Mike and Julius Jaguio | Yamashita for the photos. To Rollie Openiano of Salon 1310 for enhancing my beauty. You can contact him at 09274354337.

11 comments:

  1. ..Beautiful na beautiful talaga ang ateh ko bah..perfect ang aura at outfit..like..like..like...

    ReplyDelete
  2. That's Christian dela Cruz & the guy you had a Cosmo Bash pic with is James Zablan.

    ReplyDelete
  3. Nako teh more than the fekchures, mas naaliw akiz sa struggles that uv been through to achieve that perfect look for the night . Bellissima! Solamente de la Casa Domecq

    *Juan Uwagan*

    ReplyDelete
  4. Buti hindi dumungaw ung "jun-jun" mo nung pumarada na ung mga ohms

    ReplyDelete
  5. Ganda mng suot ha!

    Natawa naman na sa liwanag kayo dumaan sa sm haha.

    ReplyDelete
  6. eksaheradaaaaa(Vice Ganda tone) sa ganda ang bonggang pitak mo ngayon teh.... ikaw na ang bagong Bryanboy ng madlang pipol. nawa'y bumongga pa ng todo ang blog mo at mapansin ni Tyra Banks! Pak!

    -Nagmamahalimuyak

    ReplyDelete
  7. -Teh Anonymous November 5, 2012 4:54 PM, maraming salamat at nagandahan ka hehehe

    -Teh Jeff, thanks so much for naming them :)

    -Teh Juan Uwagan, achib na achib de vaahhh?!

    -Teh Anonymous November 6, 2012 1:02 AM, behave naman si jun-jun that night :D

    -Teh Mac Callister, tinapangang ko talaga ang fes ko. Sabi ko sa isip ko "kaya ko 'to... kaya ko 'to..."

    -Teh Nagmamahalimuyak, high-end masyado 'yan si Manay Tyra. Kay ateng Wilma Doesnt muna :D

    ReplyDelete
  8. Gsto kong magng freds si shanelle heh

    ReplyDelete
  9. Ang ganda ng overall look mo teh! Spending without breaking the bank, ika nga. At panalo ang shoesay! 199 lang for those platforms? OMG! Makapunta nga. (Ano nga pa lang shoe size mo teh?)

    At teh! Huwag na manghinayang sa 200 na H&M, dahil wala pang mabibiling ganyan dito! Hehe :)

    ReplyDelete
  10. Nakita kita sa event. Nandun ako... Nagdalawang isip ako na ikaw un kasi iba ang aura mo :D hehe... Papapicture sana ako, pero nakakahiya..ehe.. pero ganun pa man, meron kang picture sa akin..nasa bakground ka :D ehehe

    ReplyDelete
  11. sarap nman ni shanelle..hehehe

    ReplyDelete