Thursday, November 1, 2012

Tigasin

Infernezzz kay Chairman Sixto Brillantes ng Comelec, todo higpit siya sa huling araw ng registration para sa mga boboto sa 2013 elections. Kahapon (October 31) ay umikot siya sa iba't ibang lungsod para personal na magmasid. Siya pa mismo ang nagsara ng pinto sa isang local Comelec office. Bongga! May question and answer portion pa sa mga nakapila kung bakit sa huling araw sila nagparehistro gayong dalawang taon daw ang palugit nila. May mga umalma pero tigasin ang lolo niyo. Mga Pinoy kasi, mahilig sa last-minute. Kung ginawa ba naman ng mas maaga eh di iwas abala de vaaahhh?!

2 comments:

Anonymous said...

Tamah!

Anonymous said...

bb Melanie M, naaaliw ako sa iyong blogoncillo teh. Pwede ba kitang iadd sa fb? tnxxx

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...