Sunday, December 16, 2012

Hiyawan

Ginanap nitong nakaraang dalawang araw (Dec. 13 & 14) ang preliminary at national costume competition ng Miss Universe 2012. Dinagsa ng mga Noypi ang ganap para todong suportahan ang kandidata nating si Janine Tugunon. Hindi lang ramdam kundi dinig na dinig sa video ang bonggang hiyawan ng ating mga kababayan. Watch niyo...



Sino ba naman ang hindi gaganahang rumampa kung ganyan kalakas ang suporta? Kaya naman panalo sa mata ng mga pageant experts ang presentation skills ni ateng. Hindi ko bet ang evening gown dahil mukhang foil pack ng Curly Tops, salamat na lamang sa kabogerang attitude ng ating pambato. At ang pinapauso niyang Cobra WalkPAK na PAK sa swimsuit portion. May glide effect de vaaahhhh??? Masaya din ako sa national costume na ipinadala ni Madame Stella Marquez Araneta dahil Muslim-inspired tayo ngayong taon.

Patuloy lang ang pagboto kay Janine sa Miss Universe website para sure na pasok sa banga ang gandang Pinay sa top 16 ng coronation night. 

4 comments:

ZaiZai said...

Bongga! I hope she wins! :))

Anonymous said...

Ang bongga nya sa swimsuit round!! grabeh! Nanggulat talaga sya!. Superb catwalk skills. Gandang pinay!

Gelo.

Anonymous said...

feeling ko lng ha..siya ang mananalo dis year

-tagamasid pampurok-

Anonymous said...

congrats janine for making it on top! once again you make us proud sa layo ng narating mo sa contest...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...