Thursday, December 20, 2012

Salamat 3.0

MARAMING MARAMING SALAMAT JANINE! Pinatunayan mong muli na laging wagi ang lahing kayumanggi. Mula sa tindig mo nang tawagin ka sa top 16, sa pag-cobra walk mo sa swimsuit, sa pagpaypay mo sa mala-abanikong gown hanggang sa perpekto mong sagot sa Q&A.

Naiiyak ako ng bonggang bongga mga ateng! 'Yun na eh! Ayun na ayun na! Isang hakbang na lang pero ganun talaga. Ang bigat sa dibdib. We just have to accept the fact na runner-up na naman tayo ngayong taon sa Miss Universe. Mas mabuti na 'yun kesa hindi tayo mag-place. 'Di hamak kasi na mas maganda ang performance niya kay Miss USA. At pansinin niyo ang hand gesture ni Janine sa fecture? Parang ulo ng cobra de vaaahhh?! PAK! 

Tama na ang todong bitterness. Kailangang ma-convert na 'to sa sweetness :'(

5 comments:

AstroDeus Shin said...

Gaya ng mga nasabi ko sa mga kumare ko, hindi lang yung sagot sa final question ang naging basehan ng pagpili ng Miss Universe. Kasama sa scores yung swimsuit, evening gown, atbp. Pati nga yung last look kasama, sinabi yun ng host bago sila rumampa at the last moment.

Pero kung susuriing mabuti, ang pagkapanalo ng US kontra Pilipinas ay isang uri ng imperyalismo kung saan pinatunayan lamang ng US na dapat sila lang ang naghaharing-bansa sa lalo na na isang papaunlad pa lang na bansang gaya ng Pilipinas...

Anonymous said...

Natutuwa ako kay Ms. Janine Tugunon, sa pinakita niyang patas na laban sa entablado. Malaking bagay naiambag niya sa para iparating sa buong mundo isa tayong mahigpit na kakumpetensiya sa larangan ng pagandahan.

I love her morena skin perfect. While other finalist wears fake tan. Davah!

Pasok din siya sa Q&A except that mas nabigyan sana ng konting pang tamang bigkas at timing. Winner parin mas natural ang dating.

Gusto ko rin ang kanyang make-up smokey eye, mas lalong umaangat ang kanyang Pinay beauty.

Amihin din natin na maganda talaga si Ms. USA, artistahin ang lola ninyo. Kahit walang make-up.

Na sad lang ako dahil parang walang cash prize ang mga runners-up. Buti pa si Ms. Photogenic may cash prize at may career sa New York.

Nanibago lang din ako sa Christmas theme ng Ms. Universe, buti na lang nakabawi sila sa second to final half ng show. Muntik ng maging boring. hahaha.


Merry Christmas Ms. M.

-Mareng Lee.


Leon said...

Luto naman lahat ng pageant this year.

Anonymous said...

teh ang lakas maka Jeannie Mai ang iyong komento. may karir ka!

Nagmamahalimuyak

Anonymous said...

I dont know if anyone noticed this.... Janine's performances were all worth to have the crown...But one thing na nagpabawas sa score nya is yung pagdaan nya sa harapan after nya sumagot pabalik sa pwesto nya..(and ung nauna rin sa kanya) all the last three ay sa likod dumaan pabalik ng pwesto...that moment is still part of scoring...napansin ko lang..peace.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...