Wednesday, January 23, 2013

Bakbakan

Nakakalungkot ang balitang pagkakashunggal ni Maricel Soriano sa comeback-serye sana niya sa ABS-CBN. Nagkaroon daw nang 'di pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Gerald Anderson na isa rin sa mga bida. Sayang at kaabang-abang pa naman ang todong bakbakan nila ni Dina Bonnevie sa aktingan.

Medyo nagkandaleche-leche ang buhay niya nitong nakaraan lalo na nang pumutok ang isyu ng pambubugbog niya sa dalawang kasambahay at diumano'y paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot. Nawalan din siya ng isang pinakamamahal sa buhay. Sinubukan niyang lumipat sa TV 5 at lumabas sa Kapuso pero hindi kuminang ang kaniyang bituin. Ngayong nagbabalik Kapamilya siya, eto pa ang nangyari. But I know makakabalik pa siya. 'Di man ngayon pero the right time will come. Isa siya sa pinakamahusay na aktres ng ating pinilakang tabing. Iilan lang ang pwedeng mag-switch to comedy from drama and vice-versa. Para saan pa't tinawag siyang Diamond Star. 'Ika nga sa Ingles... diamonds are forever.

12 comments:

Anonymous said...

Naniniwala parin ako kay Ate Mary, na makakabangon parin siya sa mga pagsubok na pinadadaraan niya ngayon.

Kung kinaya ni Nora Aunor, makabalik...Keri mo rin yan Ate Marya.

Lilipas din ang unos sa buhay mo. Lahat naman ng tao dumadaan sa kanyan nagkataon lang artista ka...kaya na-special mention ka.


Ang dakilang nagmamahal sayo, ng bongga Ms,M.


Wagas at walang kupas at noknukan keri.

-Mareng Lee....mwaah!

Anonymous said...

Karma is a bitch!

Anonymous said...

correct! Diamonds are forever

Anonymous said...

She badly needs to attend Anger Management Therapy session, if she hasn't done so.
Sa estado niya ngayon, itapon na dapat ang katarayan.

Anonymous said...

Anung nangyari ate Melanie?? Paboritong actress ko pa naman and Diamond star. Meron akong compalation ng mga old comedy movies nya na nabili ko pa sa Quiapo. At pag pinapalabas it sa Cinema one pinapanood ko pa rin... Ung Super inday pinalabas lang nung tuesday ng madaling araw.. Ang galing galing nya umarte at nakakatawa talaga sya!!


Gelo.

red said...

Korekekek madam! Hardcore fan ako ni maricel pangalawa kay thalia. Isa syang diamond, kahit malagyan ng putik and diamond, diamond na diamond pa rin. Let her do all the crazy stuff parang britney spears lang, in the end tagumpay pa rin, not now, pero soon. Maricel soriano is diamond. Period!

Anonymous said...

You can never put a great actor down. Babangon at babangon si Maria. Ang isang tunay na talento ay hindi napupunta sa wala.

Si Maricel, nakaranas din ng pagmamaldita at pagtatalak ng yumaong beterang si Charito Solis at ni Direk Ishmael Bernal. Tingnan nyo naman, naging isa siya sa pinakamahusay na aktres at naging pangatlong may pinakamaraming acting trophies sa bansa.

Ang mga batang artista kasi ngayon, puro mga spoiled ng network. Kahit walang talent, pinakakanta, pinasasayaw at pinaaarte.

Melanie said...

Teh Gelo, ayon sa chika eh tinalakan ni Marya si Gerald dahil 'di nito makuha ang tamang timpla ng akting sa isang eksena. Nag-walkout ang byuti niya.

Anonymous said...

Salamat ate Mel.. Dapat kasi handa bago pumasok sa set. Parang pagpasok lang yan sa skwela ganyan. Ayon sa blog ni FP parang may ibang inaatupag si Gerald lately kaya nawawala daw sa sarili ang bagets. yun lang ang nasagap ko na balita..

Gelo.

Anonymous said...

ayon sa nabasa ko sa philstar, nagbigay daw ng kwintas si gerald kay maricel at sinadya pa ni gerald si maricel sa bahay nito. ang sabi ng writer, baka daw namisinterpret ni maria ang gesture ni gerald kaya nagalit diumano sya sa kawawang aktor. oh well. isa lang DAW yan sa mga tismax.



- MAHALIMUYAK NA KANGKONG

Anonymous said...

Mahal ka namin, Ate Marya!

Shine bright like a diamond!

Maricel Soriano IS Maricel Soriano! Hindi na matitibag yan!

Anonymous said...

akala ni maria sikat pa sya, na pupwede pa ang katarayan nya, but tables have turned, iba na ang panahon,. she may be a very good a actress, which truly she is (was?) but the network needs the ones sho will bring the numbers (ratings), so chugi sya. remembef her last sa dos, parang hangin na dumaan lang, walang nakapa sin, as well as her movies. so sad! welcome to the club of nora , sharon, claudine...dating sikat!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...