Sunday, January 13, 2013

Nabighani

Solo flight kong pinanood kanina ang One More Try sa SM North. Matagal ko nang plano 'to at sa wakas eh natuloy. Madami kasing alingasngas ang pelikula. May bongga at chaka kaya bet ko makita para malaman kung ano ang magiging opinyon ko.

One More Try (2012)
Star Cinema
Directed by Ruel S. Bayani
Starring Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo and Angel Locsin

Six years ago eh umakyat sa Baguio si Edward (Dantes). Nabighani siya sa byuti ni Grace (Locsin) at may nangyari sa kanila. 'Di alam ni babae na may syota si lalake. Imbes na magalit, nanahimik na lang siya kahit najontis siya. Fast forward sa kasalukuyan. 'Di mabigyan ni Jacq (Panganiban) ng anak si Edward. Muntik na silang magkaroon kaya lang nalaglag dahil busy sa pagpapayaman ang loka. Si Grace naman, happy na sa jowang si Tristan (Marudo). So what's the complication? May sakit ang bunga nina Grace at Edward at nangangailangan silang gumawa ulit ng panibagong beybi para magamit ang bone marrow nito.

Ang daming nagsasabing ginaya lang daw sa isang international movie ang concept ng pelikula. May nagtatanong kung bakit 'di na lang ipadala sa Amerika 'yung bata para magamot? At marami pang iba. Basta ako, kebs sa mga 'yon. Nagustuhan ko ang istorya at ang mabilis na pagkakalahad nito. Isa na si Ruel Bayani sa mga paborito kong direktor.

Parehong magaling sina Angel at Angelica sa kani-kanilang role pero kung ako ang tatanungin, si Angel ang Best Actress. Pumasok siya sa karakter bilang ina na nangangailangan ng tulong at gagawin ang lahat para sa anak kesehodang magpaka-puta siya. May isang confrontation scene si Angelica na parang 'di siya maiyak at nagdedeliver na lang ng linya. Tuloy parang nilamon siya ni Dingdong. Todong magaling siya sa walkout scene sa klinika.

Parehong nagpakita ng tapur sina Dingdong at Zanjoe kaya sulit na sulit ang binayad ko. Ang kinis nung kay Dong. Inggit tuloy me kay Marian. CHOS! Infernezzz naman sa drama ni Zanjoe, umeffort siya kaya na-appreciate ko. Dingdong deserved the Best Actor award. Ang galing ng facial expressions niya. Just like Angel, ramdam mo na si Edward siya at hindi umaarte lang.

Rating: 5/5 stars

7 comments:

mack said...

ay true?!
super-bet ko ding ma-sightsoo ang movie na itey Ate M..
kasi aside sa butt-cheeks ng mga men LOL..gusto ko din mapanuod ang aktingan ng mga gumanap..

Anonymous said...

nang iintriga lang, kaya kaya ni marian ang role ni angel?

Ken said...

Ang mga beki, hindi basta-basta nauubos. Pero ang mga tunay na lalaki, konting-konti na lang!!!

Anonymous said...

susme.. eh la nmng nbgo sa akting ni angel mula gma eh.. ganun p din

Anonymous said...

saw it last night Ms. M..and you're certainly right, DD and Angel are at their bests...I wonder kung bakit nasabi dati ni Angelica sa interview na lalaban cla ni Angel sa best actress race, when in fact it was only Angel who acted very well.This wasn't her (Angelica)best.Definitely,Angel will get one or two best actress nods in this year's award giving bodies.

PS..screencaps of DD's buttcheeks pls...lol!

Anonymous said...

OA ang acting ng lola Angel nyo. At ang "masterpiece" daw ni Ruel Bayani ay kopya lang at puro sampalan, sabunutan at kabaklaan. yan ang Best Picture!

efrenefren said...

it was overly melodramatic for me. mas maganda yung in love we trust

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...