Monday, February 18, 2013

Diecinueve

Todo stress ang byuti ko mga 'teh! Too much pressurized cooker sa bagong work. Ayaw ko na munang alalahanin 'yon bilang pahinga ko sa loob ng tatlong araw. Magsama-sama muna tayo sa paghahanap ng sarap at ligaya

From left to right: Tsari, Bb. Melanie, Ateh Paul, Anne, Gladys, Tracy, Ezhel and Mark
Noong Sabado ng gabi ay idinaos sa Savory, Sampaloc ang bonggang post-birthday celebration ni Ateh Paul na isinabay sa despedida party ng super friend namin na si Gladys. College classmate din namin siya at madalas eh sa balur niya kami tumatambay at magdamag na nagku-kwentuhan at iba pa. Sa kanyang paglisan patungong Canada, mawawalan na rin kami ng isang lugar na pagtatambayan.

Si Lance 'yung nasa right
Puno ng saya ang pagdiriwang dahil nakasipot ang dalawang dyosa na sina Ezhel at Anne pati na ang close friend nila na si Mark. Tapos na kaming lumafang at inaabuso na ang videoke nang dumating si Lance.

Sayang 'di atashi nakapagpa-pica kay cutie
Dalawang palapag ang nasabing kainan. Sa taas ay may kwarto na maaaring rentahan na may kasamang videoke machine. Habang ngumangawngaw kami, may na-sight na cutie pie si Anne. Dahil dyosa, umaura siya at 'di nabigo. Game na nakipag-picturan si boylet na diecinueve años ang edad. Bagets pero hooongkyut de vaahhh? Rated GP kami niyan kasi may dabarkads din na kasama si boylet. Mabait lang talaga siya hihihi.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...