Friday, February 8, 2013

Plaka

Matapos ang labingdalawang taon ay nagkaroon na rin ako ng orihinal na kopya ng Reigne, isa sa pinakabonggang plaka mula kay Regine Velasquez. Japeyks kasi 'yung sa akin dati. Sa pagkakaalala ko, unang linggo pa lang nang pagkaka-release nito sa merkado ay 20-40 thousand copies na agad ang nabenta. Box edition na may libreng kwintas pa ang packaging noon. Paano ba namang hindi magiging mabenta eh labingwalong original Filipino composition ang lahat ng kanta dito. Sulit na sulit!

First single ang To Reach You na may makabagbag damdaming music video sa rooftop with tunaw na eyeliner. Ginagaya ko pa dati noong fourth year high school ako. Todo falsetto maabot lang ang high notes. Sunod na single ang Dadalhin. Paborito magpasahanggang ngayon ng mga ume-emote sa videoke. Final single ang Sa Aking Pag-iisa. Isa pang emoterang kanta na seksi-seksihan ang peg.

Sa kasalukuyan, pa-ul-ul kong pinatutugtog 'yan sa CD player. At may natuklasan akong kanta na bagay na bagay sa mga baklang anlakas pumantasya tulad kez. Eto pakinggang natin...


Bukas sana makita ka
At bukas sana makasama ka
At bukas sana'y heto na
Sana ikaw at bukas sana'y
Mangyari na ngayon

Bukas sana makapiling ka
At bukas sana'y, mayakap ka
At bukas sana'y
Dito na, ikaw, ako
At bukas sana'y maging tunay na ngayon

Sana ang bukas ay pang-habang buhay
Sana 'di matapos ating bukas kailanman

Sana ang bukas ay pang-habang buhay
Sana hindi matapos ating bukas kailanman

Bukas sana tayong dalawa
At bukas sana, puno ng saya
At bukas sana atin na
Walang hadlang
At bukas sana, bukas sana
Tayo lang
Bukas sana, kailanman

1 comment:

chad said...

Ganda ng song na to..my all time fave singer..thats why im proud to be kapuso bcoZ of regine..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...