Saturday, March 23, 2013

Anggulo

Walang rampa ang byuti ko ngayong unang araw ng pahinga ko. Mabuti na lang at nariyan ang mga nakareserbang libro para mang-aliw. Mamaya eh movie marathon naman ang pagkakaabalahan ko. Siyempre bida sa pelikula ang craaash ko. Kasi kahit gaano pa kaganda ang istorya, kung hindi kaiga-igaya ang artista, wala akekelz gana.

Habang namamasyal ako sa malawak na mundo ng world wide web, naisip kong mag-window shopping sa Amazon. Bet ko sanang bumili ng En Extasis CD ni Thalia kaya lang out of stock kaya nagkasya na lang ako sa bonggang videos niya sa YouTube. Nadaanan ko ang Maria La Del Barrio at muli na namang nabuhay ang hasang ko kay Fernando Colunga. Todo search ako sa Google kung may bago akong makukulimbat na sexy pica. Lucky day ko today dahil meron. Eto oh...

Fernando Colunga
Nanghina akez sa posing niya. May kalumaan na ang kuha pero hapi pepe akez. Weakness ko ang ganyang anggulo. Kulang na lang sumubsob ako at malalasahan ko na ang tukneneng. CHOS! Cuarenta y siete na pala ang edad niya at wala pang asawa. Matapos ang relasyon niya kay Thalia noong 1995 eh hindi naging tahimik na siya sa lovelife. Baka naman umaasa pa siya kay MariMar. Pwede! Basta siya ang aking ultimate Latino fantasy.

6 comments:

Anonymous said...

Madam fan ka rin ba ni thalia? Wow! Isa sya sa mga tinitingala kong icons sa tv. She will receive her hollywood walk of fame this year and she is currently married kay tommy mottola. Si feenando colunga bali balita na gay daw syasa latino community. Oh well, nung mga kapanahunan pa ng marimar at maria ladel barrio eh scorching hot sha!!!

Melanie said...

Yes 'teh! Faney ako ni Thalia. Hindi ako maka-move on sa mga teleserye at kanta niyo noong 90's :)

jayric said...

oh my! nabuhay ang 1990's.. natandaan ko halos lahat gusto umuwi ng maaga para makapanood ng marimar! 47 na pala si feenando colunga.. matandang binata na.. bilis lumipas ang panahon

Anonymous said...

Naaalala ko noon, tapes pa ang uso, doble lagi tapes ni thalia binibili ko just incase na kainin yung tape na isa, may reserba pa hahaha. Bago sasayaw ako sa tune ng AMANDOTE, Piel MORENA with matching hand gestures. Hahaha at saulo ko lyrics ng mga kanta nya...

Anonymous said...

Naku memorized ko din ang mga songs nya from marimar, maria mercedes, maria la del barrio at siempre yung legendary na rosalinda!

Anonymous said...

Hindi gay si Fernando Colunga.

Super sikat talaga yan dati sa latino community mala richard gomez/aga mulach ang peg ng kasikatan sa mga latino. Pero ngayon medyo laos na kasi matanda na.

May pic sya na super bikini trunks ang suot. ang super hot nya dun.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...